Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

USAPANG PERGALAN, ATBP.

$
0
0

KUNG hindi kayo pamilyar sa salitang “pergalan”, ito’y mula sa mga salitang perya at sugalan na ipinagsama, para ilarawan ang sugal na namamayagpag sa karamihan ng maliliit na karnabal na nag-uusbungan na parang kabute sa tuwing malapit na ang Pasko.

Ang pergalan na dinudumog pati ng mga kabataan dahil sa color games at drop ball ay pana-panahon, at isa lang sa iba’t ibang iligal na sugal na pinatatakbo ng gambling lords at operators na walang pinipiling panahon kapag naglalatag sila ng pasugalan sa nagustuhang lugar.

Kung sunud-sunod ang paglutang ng mga sugalan ay hindi rin maawat ang impormasyon na nakararating sa atin kaugnay ng kanilang pag-usbong at pati sa mga nagpapatakbo nito. Ayon sa aking mga espiya, ang lingguhang tong collection diyan sa Cavite para sa mga pergalan at pasugalan ay binili nitong si Caloy Colanding na para raw sa bagong upong Cavite provincial director na si Senior Superintendent Junel Estomo, Class ’92 ng PMA, na pumalit kay Senior Supt. Joselito Esquivel.

Sa panahon ni Esquivel ay hindi natinag ang puwesto ng mga bangka ng pergalan na sina Tessie sa palengke ng Silang, Jessica sa Salitran at Sonny Atienza sa Naic. At tiyak na patuloy ang maliligayang araw ng tatlong financier ng pergalan na ito kay Estomo, na binigyan daw agad ni Caloy ng goodwill money na P100,000 mula sa tatlo.

Sabi pa ng mga espiya na bukod diyan ay inayos na rin ni Caloy at ng kasama niyang si Ronald ang usapan para sa saklang patay ni Jun Guinto at 24 oras na Saklang Puesto Pijo nito sa boundary ng Bacoor at Las Piñas; at lotteng sa Bacoor na hawak ng pulis na si Junel Francisco. “Jun Lakan” pa nga raw ang ginagamit na pangalan ni Jun Guinto para hindi mabuko ni mayor. Ang kubransa ay dinadala kina Roderick at Bong Jose na taga-Tramo Street. Ang dalawang ito ang namamahala ng lotteng at bukis ng EZ2 at Suertres para kay Lakan o Guinto. Ang namamahala para kay Guinto sa 20 puwesto ng bukis ng karera sa pamamagitan ng tawag sa telepono ay ang taga-Tengco St. na si Nestor “Barurut,” na dati ring operator ng VK.

Patuloy na namamayagpag ang sakla at lotteng sa Bacoor, pati na ang 24 oras araw-araw na sakla sa boundary ng Bacoor at Las Piñas, pero bakit hindi ito maipatigil ni Mayor Strike Revilla?

Sa Bulacan naman ay nagkalat din ang peryahan diyan sa Barangay San Jose, San Miguel, na Michael Taba ang operator; Bgy. Pinaod, San Ildefonso na operator si Domeng; Bgy. Concepcion, Baliuag na pinatatakbo ni Linda Bakulaw; at Bgy. Sto. Niño, Calumpit na ang operator ay si Tetet. Makalulusot ba ang iba’t ibang klase ng sugal na ito kung hindi sila magbibigay ng goodwill money at lingguhang koleksyon para sa mga pinagpalang “panginoon” na nagbibigay ng pahintulot o basbas para sila makapag-operate?

* * *
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View FIRING LINE/ROBERT ROQUE, JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Tagalog Love Quotes – Nagmamahal


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


Tropa Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>