Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KUMANTA NA ANG ‘UNCLE SAM’

$
0
0

INILABAS na ang tunay na kulay ng lahi ni ‘Uncle Sam’ patungkol sa kaso ng kanilang kadugo na si U.S. Marine Pfc Joseph Scott Pemberton laban naman sa kababayan natin na baklitang si Jeffrey Laude.

Ang sigaw ng kampo ng biktima ay ilipat itong manyakol na, mamamatay-tao pa na si Pemberton sa ordinaryong bilibid ng ating bansa matapos maisampa na ng pormal ang kasong pagpatay sa korte.

Mabilis naman ang naging responde ng kanilang embahador sa Pinas sa katauhan ni Philip Goldberg nang igiit nitong HINDI SILA PAPAYAG NA ILIPAT SA REGULAR NA KULUNGAN ANG KANILANG KABABAYAN.

Ano ngayon ang masasabi ni PNoy diyan? Ano ngayon ang masasabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pahayag na ito ni ‘Uncle Sam’?

Ipinunto ko na noon pa na makaraan ang maraming digmaan na pinasok ng Amerikano sa buong mundo ay nagkaroon sila ng lihim na polisiya na walang maiiwan na sundalong ‘Kano sa mga dayuhang bansa.

Kahit na batid pa nila na patay na ang kanilang kababayan ay pilit pa rin itong hinahanap at ibinubuwis ang buhay ng mga sundalong ‘Kano para maiuwi ang bangkay sa Estados Unidos.

Ganyan ang masakit na katotohanan sa kasong ito ni Pemberton na walang awang pumatay sa ating kababayan na si Jeffrey makaraan nitong matuklasang baklita pala ang kanyang kasiping.

Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Goldberg na kinatawan ng Amerika sa bansa. Diretso at maliwanag pa sa sikat ng araw ang kanyang tugon na hindi sila makapapayag na ilipat sa kustodiya ng Pinas si Pemberton.

Hindi na ito biro. Wala nang pasakalye ang sagot ng gobyerno ni Uncle Sam sa kasong ito. Ito ang ilan sa pangamba ng mga kritiko ng Visiting Forces Agreement (VFA).

Mabuti sana kung si Pareng Erap ang nasa Malakanyang baka sakaling may pag-asa pa tayo. Pero sa katauhan ni PNoy… ewan ko lang kung papalag ito sa gobyerno ng Amerikano.

Ang masakit na katotohanan… ikalawang uri lamang tayo ng tao sa paningin o pananaw ng mga Amerikano na kaya nilang pilipitin ang leeg para sumunod sa kanilang kagustuhan. ‘Na n’yo!

***
Para sa komento o suhestyon: eksperto71@gmail.com EKSPERTO/JOIE O. SINOCRUZ, Ph.D.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>