BIGYAN natin ng daan na mailathala naman ang isang reklamo na gustong iparating sa atin ng isang concerned citizen ng Balagtas, Bulacan.
Inirereklamo nito ang isang Traffic Enforcer na si Eduardo Felipe dahil sa sobrang higpit kung manghuli na kahit konting pagkakamali lang ay kanya kaagad na tinitikitan sabay kumpiska kaagad sa driver’s license ng isang jeepney driver.
Wala po tayong tutol sa pagiging mahigpit ni Traffic Enforcer Felipe. Ang atin lang, eh, sana’y ilagay niya sa lugar ang panghuhuli. Kung maliit lamang ang diperensya ay pagbigyan na lang niya ito.
Basahin natin ang nilalaman ng text message.
Dear Mr. J. Magalona. Gusto ko pong iparating ang reklamo ko laban sa isang traffic enforcer na si G. Eduardo Felipe na empelyado ng Municipality of Balagtas at nakatira sa Brgy. Santol, Balagtas, Bulacan na masipag manghuli sa mga jeepney driver.
Kahit konting pagkakamali lang sa batas-trapiko ay kanya nang kukumpiskahin ang driver’s license.
Aking nasaksihan ito noong Linggo nang magbaba ng pasahero na buntis pa mandin ang driver na may rutang Malolos-Malinta sa may unloading area sa bahagi ng McArthur Highway sa harap ng Robin’s Mall sakop ng Brgy. Borol 1st.
Ang concern ko lang ay bakit naman ganoong kalupit ang traffic enforcer na ito?
Salamat po.
BIGTIME KINA TSERMAN AT MAYOR
Balikan natin, mga pare ko, itong mga nakalatag na mga video-karera ni alyas Nognog sa Caloocan Upper at Bagong Silang, Caloocan.
Hindi tinatanggal ni alyas Nognog ang mga vk nito sa Bagong Silang at Upper Caloocan City.
Wala kasing ipinangangalandakan si Nognog kundi malakas siya kina Bagong Silang Barangay Chairman Bacolod at sa kapatid na dating pulis ni Caloocan Mayor Oca Malapitan na si ex-police major Malapitan. Totoo ba ito? Magkano naman?
***
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
