Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

NEW YEAR’S RESOLUTION

$
0
0

HETO na naman tayo, darating ang bagong taon – 2015. Goodbye 2014. Taon-taon, marami pa rin tayong mga kababayan ang naghahanda ng kanilang New Year’s resolution o mga pagbabago sa sarili at gawa na gusto gawin sa buhay.

Ikaw ‘dre, ano ang new year’s resolution mo naman? Ang mga politiko at opisyal ng bayan, meron kaya sila? Sana, ‘yun bang resolusyon ng tunay na pagbabago nila bilang civil servants. Tingnan natin ang ilan.

Sana, tumino na ang liderato sa Malacañang, ni Pangulong Benigno Aquino III.

Huwag nang puro kwento at daldal lang. O kaya, huwag niyang kunsintihin ang kanyang mga inutil at korap na mga tauhan. Sana, pagpasok ng 2015, ipag-utos ni Pang. Noynoy ang paggawa ng maraming imprastraktura. Lansangan, tulay, riles, eskuwelahan, ospital ng bayan, gusaling pambansa at marami pa. Kasi kapag ginawa niya iyon, tiyak, magkakaroon ng maraming trabaho ang mga kababayan natin.

Sana ang Department of Agriculture ay magpakatotoo na. ‘Yung bang gawin nilang moderno ang pagsasaka kasabay ng pag-ayuda ng pondo sa mga magsasaka.

Gumagastos din lang ng bilyon, sana bumili sila ng mga makinarya na magagamit ng mga magsasaka sa paglilinang ng lupa kaysa puro kalabaw.

Sana, ang Department of Transportation and Communications ay mahati dahil sobra talaga ang lawak ng sakop nito na serbisyo. Dahil sa laki, hindi malaman kung ano ang prayoridad nila. Labas tuloy, pera-pera!

Sana, ang traffic management at ibigay o ibalik na sa Pambansang Pulisya o PNP.
Sa Highway Patrol Group dahil sa totoong pulis, matatakot ang mga abusadong drayber. At kapag nasa PNP-HPG na, hatakin nila lahat ng mga sasakyan sa mga kalsada at lansangan na ginagawang parking lot lamang.

Sana, ang DSWD ay itigil na ang conditional cash transfer o CCT. Hindi naman kasi totoo ang programang iyan. Bagkus, daan lang ng korapsyon sa totoong gawa nila. Sana ay magdisenyo sila ng totoong proyektong pangkabuhayan. Doon ibuhos ang pondo ng bayan.

Sana ang mga senador at kongresista ay tumigil na rin sa sobrang pamumulitika.

Sana gawin nila ‘yung totoong tungkulin nila na lumikha ng napapanahon na batas o kaya mag-amyenda ng mga lumang batas na wala na sa panahon.

Sana itigil na din nila ang sobrang imbestigasyon. Ibigay na lang ito sa CIDG at NBI pati na sa mga Hukuman.

Sana mangyari ito na bahagi ng kanilang mga New Year’s resolution ano? Tiyak, gaganda ang Pilipinas, uunlad ang buhay ng bawat Pilipino. Ikaw, kaka, ano ang New Year’s resolution mo? BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>