Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

TIGILAN NA ANG PAGBIBIGAY NG LIMOS

$
0
0

ILANG araw ay Pasko na naman at dahil napakarami sa ating mga kababayan ang paldong-paldo dahil sa kanilang natanggap na bonus ay tila wala nang bukas kapag gumastos ang ilan. Kasabay naman nito ay ang nagkalat na mga namamalimos sa mga kalsada at ang karamihan dito ay mga musmos pa lamang.

Kahit nga mga kababayan nating mga Badjao at Igorot ay ini-import pa ng mga white slavery syndicate upang rumaket sa mga pangunahing siyudad, lalong-lalo na sa Kamaynilaan.

Dahil siguro likas na malambot ang puso ng ilan sa ating kababayan at walang mga kaalam-alam sa mga riyalidad sa lansangan. Ito ‘yung mga taong madalas na nabibiktima ng mga scam dahil tatanga-tanga. Hehehehe.

Madalas nakikita natin ang mga ito na nagbibigay ng barya sa mga namamalimos na musmos, matatanda, may kapansanan at ang ilan ay malalakas pa ang katawan. Sa isip nila ay nakatutulong sila sa mga ito at dahil dito ay pagpapalain sila ng Maykapal.

Ngunit alam kaya ng mga ito na isang kagaguhan at katarantaduhan ang kanilang mga ginagawa at sa halip na nakatutulong sila sa kapwa ay lalo pa nilang pinalalala ang isa sa pinakamalaking suliranin sa ating bayan at ito ay ang katamaran. Alam din kaya ng mga ito na ang mga barya na ibinibigay nila sa mga namamalimos ay nagagamit lang upang pambili ng solvent?

Alam din kaya ng mga anak ng tinapa na ito na ang kanilang ginagawa na akala nila ay pagtulong sa kapwa ang siyang dahilan kung bakit napakarami ngayon ang halos mabaliw na ina dahil sa laganap na kidnapping ng mga bata?

Alam din kaya ng mga ito na kaya lalong dumarami ang mga white slavery syndicate at lalong dumarami ang mga magulang na ikinakalakal ang kanilang mga anak dahil sa katamaran dahil sa kanilang katangahan?

Napapanahon na siguro para mamulat sa katotohanan ang mga ito dahil hangga’t patuloy ang kanilang ibinibigay na suporta sa mga namamalimos na ito ay lalong dumarami ang mga ito sa ating lansangan. Mas madali kasi ang mamalimos kaysa magbanat ng buto.

Hindi pagtulong sa kapwa ang kanilang ginagawa dahil sa halip na nagiging bahagi sila ng solusyon sa suliranin ng kahirapan sa atin bayan ay sila ang kasama sa mga dahilan. Kung nais nilang tumulong nang maayos ay mas makabubuti na ipunin ang kanilang mga barya at ito ay ibigay bilang donasyon sa mga institusyon na nangangalaga sa mga kababayan nating napupulot ng pamahalaan sa mga lansangan.

At kung talagang naaawa sila sa kalagayan ng mga ito ay mas magandang pagkain sa halip na barya ang kanilang ibigay.

Hindi pagmamaramot ang pagtangging magbigay ng limos. Ang ating pagtulong sa ating mga kababayang salat sa buhay ay maaaring isagawa sa tamang pamamaraan.

***
Para sa inyong komento at suhestyon, mag-email lamang sa gil.bugaoisan@gmail.com. BIGWAS/GIL BUGAOISAN


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>