Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

RELIHIYON ANG GAMIT NI GOB SA TONG COLLECTION

$
0
0

SA pagtatapos ng 2014 ay marami po tayong sinagupa na iba’t ibang kalamidad na kung saan bilyon-bilyong piso ang nadale sa bansa.

Sana magsilbi na itong babala sa ating mga namumuno sa gobyerno mula sa pinakamataas na antas hanggang sa pinakamaliit.

Pero ang matindi rito, noong sinubukan natin na puntahan ang mga lalawigan at mga kabayanan, partikular na sa Laguna na pinamumunuan ni acting Gov. Ramir Hernandez, ay patuloy pa rin ang ginagawang pag-iikot sa iba’t ibang mga iligal na pasugalan at iba pa itong isang pulis na may ranggong PO3 na kinilala lang sa alyas Jebong.

Si Jebong umano ang nagpapakilalang tagakolekta ng timbre ng Office of the Governor.

Hindi ko lang alam kung totoo itong nabalitaan natin na itong isang alyas Chris na umano’y miyembro ng isang makapangyarihang religion ang kinakausap pagdating kay Gov. Hernandez.

Alam kaya ni Gov. Henandez na ginagamit ni Chris ang pangalan niya sa pangongotong na ginagawa ni alyas Jebong?

SABUNGAN SA NASUGBU HAWAK NI MAYORA?

Sa Brgy. El Paso naman sa Nasugbo, Batangas ay malakas ang operasyon ng mga iligal na pasugalan gaya ng sabungan alyas Willie Bokbok.

Aba, ang balita ko ay malaki raw ang timbreng ibinibigay ni Willie Bokbok kay Nasugbu Mayor Charito Apacible. Totoo ba, mayor?

Kaya walang sinoman ang makapagpapahinto ng sabungan at iba pang mga pasugalan ni Ka Willie sa Nasugbu, Batangas.

‘Di ba Batangas, PD Supt. Jireh Omega Fidel? Mantakin n’yo, halos napakatagal na sa pagiging provincial director si Supt. Fidel pero hindi pa siya nasisibak!

Magkano kaya?

VK SA CALOOCAN NAMAMAYAGPAG PA RIN

Habang kalakasan ng putukan sa Caloocan ay patuloy namang namamayagpag ang mga video-karera ni alyas Nognog.

Malakas ba siya kay Mayor Oca Malapitan dahil sa ang utol niyang dating police major ang nasa likod nito? Ano ang totoo?

***
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Conejos para colorear


Lagarto para colorear


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Love Quotes Tagalog


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Girasoles para colorear


Tiburon para colorear


PreSonus FireBox - handly interfaz de


Problema Quotes – Pera Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>