Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

RAYDIO FILIPINO SA JAPAN

$
0
0

NAKATUTUWA na sa tagal ng panahon, ang mga dati mong kasama at kaibigan ay muli mong makausap. Ang kumustahan, halos walang katapusan. Ang laman, ‘yung mga pinagsamahan noon. ‘Yung mga hirap at tamis ng mga ginawa. Mga bagay na hindi madaling burahin sa isipan.

Tinutukoy ko ay si Kuyang Rico Onquit na isa ring media practitioner sa atin. Matagal na rin siya sa Japan at marami siyang natutulungan doon na mga kababayan natin. Mabigat o magaan na problema, solved sa kanya.

Itong huli, nagkatagpo kami sa Facebook. Natuwa ako nang malaman ko na naitayo nila ang Raydio Filipino sa Japan. Dahil may alam siya sa media work, madali para sa kanya ang pag-organisa. Katuwang ang mga barkada na alam ang teknolohiya sa telekomunikasyon, naitayo nila ang Raydio Filipino roon.

Nakabibilib dahil hindi lang sa Japan sila napakikinggan kundi sa buong mundo, kasama na ang Pilipinas. Kumpleto ang program anchors ng Raydio Filipino at balance ang mga programa. May mga awiting OPM o Pinoy at mayroon naman sa mga dayuhan.

Isa sa anchors ay si Akira Sano, isang Japino at mahusay sa teknolohiya. Ang nakabibilib ay ang linaw ng kanilang programa. Well, dahil na rin sa taas at husay ng Internet service sa bansang Japan. Imagine, sa atin 3mbps lang ang lakas samantalang sa Japan ay 1000 mbps!

Sa pag-anyaya ni Kuyang Rico at Akira San sa atin na magprograma roon, syempre naman, bakit tayo tatanggi? Pero ang problema ay ang internet service rito sa atin na nuno ng bagal at pandaraya ng Internet providers.

Tayo na ang pinakamababa sa usapin ng bilis ng internet, tayo pa ang pinakamahal sa bayad!

Naalala ko tuloy noong panahon ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga congressman Gloria Macapagal-Arroyo (PGMA). Ipinag-utos niya sa kanyang mga tauhan na pag-aralan at gawin ang pagkakaroon ng pambansang internet service, ang National Broadband Network.

Kung natuloy iyon, ang mga taga-malalayong lalawigan ay hindi na kailangan pa na magtungo sa Maynila para lang kumuha ng kanilang passport, NSO authenticated birth certificate, drivers’ license, clearances at marami pang dokumentong personal.

Sa NBN sana, sa mga munisipyo lang ay makukuha na ng mga kababayan natin ang kailangan nila na personal na dokumento. Iyan ang totoo.

Dahil sa proyektong ito ni PGMA, natakot ang mga telcos at internet provider. Mawawalan sila ng malaking kita ‘pag nagkataon.

Kaya naman, sa pakikipagsabwatan ng mga malalaking negosyanteng ito sa mga kalabang politiko ng dating Pangulo, hayun, sinira, winasak, kinutya at kinasuhan si PGMA.

Napakalakas sana ng ating signal para makipag-ugnay sa Raydio Filipino sa Japan. BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.