Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PROBLEMA SA DSWD SA MARINDUQUE

$
0
0

ILANG araw bago mag-Pasko noong nakaraang taon ay nanawagan ang ilang mambabatas kay Pangulong Noynoy Aquino na sibakin na sa puwesto si Social Welfare Secretary Dinky Soliman.

Ang panawagan para sibakin si Dinky ay may kaugnayan sa natuklasang katiwalian ng Commission on Audit (COA), sa pagpapatupad ng multi-bilyong Conditional Cash Transfer (CCT) na tinatawag ding Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Sinabi nina partylist Reps. Jonathan de la Cruz (Abakada) at Luz Ilagan (Gabriela) na nakababahala ang mga anomalyang natuklasan ng COA, katulad halimbawa ng P429.5-milyon na ibinigay raw ng DSWD sa may 240,321 indibidwal na hindi naman kasama sa opisyal na listahan ng mga beneficiary.

Ibig-sabihin nito ay na-magic ang nasabing halaga at malamang na napunta na sa “mabubuting kamay” na dapat sana ay para sa tunay na mahihirap at mga benepisyaryo.

Sinabi ng COA report na aabot sa bilyon-bilyong halaga ang kuwestyunable ring nailabas ng DSWD na bahagi ng programa ang kailangang ipaliwanag ng ahensiya kung paano ginastos at sino-sino ang mga nakinabang doon.

Naniniwala ako sa mga natuklasang ito ng COA laban sa DSWD, dahil maraming mga lehitimong recipient ng programa ang hindi naman nakikinabang at marami rin namang pekeng recipient ang sinasabing nakinabang doon.

Either way, kung susuriing mabuti, mukhang hindi naman ang mahihirap ang nakikinabang sa programa kundi ilang “pinagpalang kamay” lang diyan sa DWSD.

Katulad na lang halimbawa sa Marinduque kung saan ay maraming mga recipient doon ang nagrereklamo sapagkat wala naman silang natatanggap na anomang suporta mula sa DSWD.

Ayon sa mga biktima ay minsan lang daw silang pinuntahan ng mga taga-DSWD doon at iyon ay noong pinapirma sila ng mga dokumento tatlong taon na ang nakararaan.

Pinangakuan umano sila na makatatanggap ng benepisyo mula sa programa, subalit simula noon hanggang ngayon ay hindi na sila umano binalikan ng mga taga-DSWD.

Ang tanong ngayon, saan na napunta ang pondo na dapat sana ay ibibigay sa mga recipient sa Marinduque?

Ibinunyag naman ni Ilagan na nagsagawa ng sarili nilang pagsisiyasat ang kanilang grupo at natuklasan nila ang marami at malawakang anomalya sa pagpapatupad ng nasabing proyekto.

Maswerte si Dinky dahil namatay ang isyu dahil nga sa panahon ng Kapaskuhan nang pumutok ito, pero ngayong umpisa ng bagong taon ay maraming kailangang ipaliwanag ang kanyang tanggapan. OPENLINE/BOBBY RICOHERMOSO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>