Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SALAMAT, SANTO PAPA

$
0
0

NAKAGANDANG pagkakataon ang pagbisita ng Santo Papa sa Pilipinas para magsisi ang mga kawatan, lalo ang mga nasa pamahalaang Aquino, sa kanilang mga kasalanan.

Hanggang ngayon, hindi pa nareresolba ang pork barrel issue na naging tampok na balita sa ating bansa noong nakaraang mga taon hanggang ngayon.

May mga politiko nang nakakulong habang nililitis. Pero marami pang nakalalaya sa paglustay ng salaping bayan.

Bukod sa pork barrel, nariyan pa ang paglustay sa Disbursement Acceleration Program fund.

Patuloy sa pagsisinungaling ang mga sangkot sa anomalya sa DAP na hindi sila nagnakaw.

Para silang mga walang konsensya sa patuloy na pagtanggi kahit buking na buking na.

Darating ngayong araw ang Santo Papa para damayan ang mga nabiktima ng bagyong Yolanda sa Tacloban City.

Ito ang pangunahin niyang misyon–ang makita kung paano sila tinulungan ng ating pamahalaan.

Tumataghoy pa rin sila sa dusang sinapit na dinagdagan pa ng pahirapang pagamot ng kaunting tulong sa gobyerno.

Ang tulong sa kanila ay pakitang-tao lamang.

Gusto nilang isumbong at iiyak sa Santo Papa ang nakabaong tinik ng sama ng loob sa pagpapabaya sa kanila ng Pangulong mas inuna ang pakikipag-away at pamumulitika.

Kitang-kita iyan.

Pero maraming pulis at militar na nakabara. Bawal silang dumikit sa Santo Papa.

Ang makalalapit lang ay iyong “pinili”.

Kung ano-anong kaeklatan na kesyo para iyon sa seguridad o kaligtasan ni Pope Francis.

Kinikilala si Pope Francis sa pagiging mapagkumbaba at walang pinipili sa lalapitan para mabasbasan.

Mas gustong nilalapitan ng Santo na lapitan ang mga may sakit, napabayaan, nagugutom, mahihirap at mga itinakwil.

Inaabangan ng maraming mahihirap at pinabayaang Filipino ang pagdating ng Santo Papa. Sabi nga ng iba, masilayan lang siya ay makararamdam na sila ng pag-asa. At sa ihahatid niyang magandang balita mula sa Diyos, mailigtas sana ang bansa sa mga pabaya at kawatan sa pamahalaan.

Ito sana ang maging daan upang sila ay magsipagsisi at tumigil sa paglustay sa salaping bayan.

Maging daan para tunay na paglingkuran ang sambayanan.

Salamat, Santo Papa sa Iyong pagdating! KANTO’T SULOK/NATS TABOY


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Mga Patama Quotes and Banat Tagalog Love Quotes


Top Tagalog Love Quotes Online Collections


Mothers Day quotes tagalog


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Sunny Hill - Once In Summer 2014


Lagarto para colorear


Two timer Sad tagalog Love quotes


Tagalog Love Quotes 2014 – Best Online Collections


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>