Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BAWAL LUMAPIT KAY POPE FRANCIS

$
0
0

NAKAHIHINDIK ang preparasyon ng Metropolitan Manila Development Authority at ng Katolikong Simbahan ng Pilipinas para sa pagbisita sa atin ni Pope Francis.

Nais ni Pope Francis na makihalubilo sa mga mahihirap at sa mga sinalanta ng bagyong Yolanda, ngunit mabibigo siya sa hangarin niyang ito.

Ayon sa dry run na ginawa ng MMDA na may basbas ng Catholic Church sa Pilipinas, bawal lumapit ang mga tao kay Pope sa kanyang motorcade magmula sa Villamor Airbase sa Pasay City patungo sa bahay ng papal nuncio sa Taft Ave. sa Maynila. At para makatiyak na wala ngang sino mang makalalapit kay Pope Francis sa kahabaan ng kanyang motorcade, ang buong lansangang hinarangan ng estado ng libo-libong mga pulis na magsisilbing human barricade laban kay Pope Francis.

Shoulder-to-shoulder ang gagawing pagharang ng mga pulis at iba pang armed groups ng estado para walang makasingit sinoman sa kanila.

Sa Leyte na dahilan ng pagbiyahe ni Pope Francis, mga piling bisita lamang ang makadadalo sa misa sa Tacloban airport at sa simbahan ng Palo, Leyte.

Ang mga pangkaraniwang mga mamamayan ay sa labas lamang ng simbahan maaaring pahintulutan ng mga Obispo at pare.

Ganyan din ang mangyayari sa University of Sto. Tomas, sa Mall of Asia at sa Rizal Park.

Mga pinagpala lamang ang maaaring makilahok sa tatlong occasion na ito. May harang kasi at ang masa ay hindi pwedeng lumagpas dito.

Tiyak na hindi ito kagustuhan ni Pope Francis at malamang na siya na mismo ang lalapit sa mga maysakit, sa mga naghihinagpis, sa mga bata at mahihirap nating mga kababayan maski harangan man siya ng sibat ng mga pulis. At maaari ring buwagin ng masa ang mga barricade ng gobyerno, kay pulis man sila o konkretong barrier.

Wala sanang masaktan sa pagdumog nila kay Pope Francis. DEEP FRIED/RAUL VALINO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


PreSonus FireBox - handly interfaz de


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


5 Tagalog Relationship Rules


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>