Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

AMADEO MAYOR VILLANUEVA IPINAGTANGGOL NG MGA ADIK

$
0
0

burdado- jun brionesNAGMAMALAKI ang isang adik sa bayan ng Amadeo, Cavite sa isang umpukan habang pinag-uusapan ang pulitika sa kanilang lugar.

Habang bumibili tayo sa tindahan na pinag-uumpukan ay matunog na halakhak ang pinakawalan nitong pormang adik, habang ipinagmamalaki ang perang nalikom ni Mayor Benjo Villanueva.

“Eh, ano naman kung malakas nga sa mga botante ‘yang si dating Mayor Ambagan . . . tutal sa rami na ng pera ni Mayor Benjo ay kaya na niyang magpasarap-buhay kahit matalo siya!

Katunayan ay pinaghahandaan na ‘yan ni Mayor Benjo na kung maideklarang panalo si Ambagan ay lilipad agad si Mayor Benjo pa-Amerika at doon na maninirahan!”

Kaya naman, parekoy, itong animal na mukhang adik na nag-tatanggol kay Mayor Benjo, hindi man lang sumagi sa kanyang utak na kung talagang totoo nga ang kanyang idinadaldal ay siya rin ang kawawa.

Dahil kung talagang tumpak ang kanyang sinabi na marami ng pera ngayon si Mayor Benjo mula ng ito ay maging alkalde sa bayan ng Amadeo, hindi ba naisip ng adik na ito na posibleng pera ng bayan ‘yang naipon ni Benjo?

Na kung ginastos sana sa makabuluhang mga proyekto ay baka sakaling matulungan pati ang adik na ito?

At kung nasa tamang pag-iisip ang lintek na ito, hindi ba niya naiisip na sayang pa ang magiging boto niya kay Benjo dahil nakaplano na pala itong sumirit pa-Amerika pag natalo?

Sabagay, mukhang may magandang magaganap sa buhay nitong adik na tagapagtanggol kung magkatotoo ang hinala ni Mayor Benjo na matatalo na siya dahil maaaring nahalata na rin niya na isinusuka na siya ng mga matitinong mamamayan ng Amadeo,

Dahil kung mabawasan na ang masasamang elemento at  “bad influence” sa Amadeo ay baka sakaling magbago na itong si tagapagtanggol!

Siyanga pala, parekoy, ilang beses ko na ring naririnig sa ilang umpukan tuwing napapasyal tayo sa bayan ng Amadeo na sa bawat may diskusyon sa pulitika ay mga pormang adik ang mga nagtatanggol dito kay Mayor Benjo Villanueva!

Naalaala ko tuloy parekoy ang kasabihang “Tell me who your friends are, and I’ll tell you who you are!”

At isa pa. “Birds of the same feathers, are the same birds!” Hak, hak, hak!


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>