NITONG nakaraang buwan lamang ay nagpalabas na nga ng desisyon ang Korte Suprema sa EO 46 ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na nagsasabing ligal ang kanyang pagbabawal sa importasyon ng used cars.
Isa sa mga lugar na apektado ay ang Port Irene sa Sta. Ana, Cagayan na maraming nagsasabing hawak umano ni Senate President Juan Ponce Enrile ang operasyon dito dahil ito’y baluarte ng kanyang pamilya. For the past five or six years or more I’ve seen this business flourish. Ang pagdami ng B-plates sa Metro Manila at sa iba pang lalawigan ay patunay lamang na maganda ang negosyo sa Port Irene. Pero dahil sa huling desisyon ng Korte Suprema ukol sa EO 46 ay hindi ko alam kung ano pa ang magiging kinabukasan ng mga negosyante d’yan.Kahit yung mga dati nang may-ari ng B-plates ay nagbebentahan na yata ng kanilang sasakyan sa mababang presyo kasi nag-utos na si Customs Commissioner Ruffy Biazon na hindi na puwedeng irehistro ang mga ito.
Habang problemado ang mga car importer sa Cagayan at ang mga B-plate owner ay nagbubunyi naman ang ating local car industry lalo na ang mga manufacturer at mga distributor. Lalong lumakas at dumami ang benta nila malamang. Bukod pa d’yan ay patuloy ang pagpasok ng iba’t ibang car brands sa bansa maging motorsiklo. Ang Volswagen ay darating na. Ito’y pangungunahan ng isang dating opisyal ng Honda Cars Phils.
Makakatulong niya ang isang dating taga-Suzuki Phils. Ang American motorcycle brand na Harley-Davidson ay nandito na rin sa bansa. Puwede nang bisitahin ang kanilang showroom sa EDSA, Greenhills. Ito’y nasa southbound lane katabi ng Mercedes Benz at Hyundai showroooms.
Gumaganda na nga talaga ang local automtotive industry. Isipin niyo, naturingan ang ating bansa na 3rd world country pero meron tayong tindahan dito ng Lamborghini, Ferrari, Bentley, at Porsche. Lahat yan ay bumebenta dito at hindi po karamihan ng buyer nila ay foreigner kundi Pinoy. Eto pa, kung papalarin ang kaibigan nating si Willy Tee Ten ng Autohub Group ay maipapasok niya ang Rolls-Royce sa Pilipinas.
*****
Congratulations sa CATS Group na nasa likod ng Harley Davidson of Manila. Salamat kay CATS President Felix Ang at kay Harley Davidson of Manila GM Art Harrow.
*****
Belated Happy Birthday kay Mark Quesada!
*****
Iniimbitahan ko po kayong makinig sa inyong lingkod tuwing Martes at Huwebes, 2:00 p.m. para sa INSIDE MOTORING RADIO sa DZRJ 810khz AM. Inaanyayahan ko rin kayong tangkilikin ang mga programang STOPLIGHT TV at INSIDE MOTORING TV na mapapanood sa PINOY EXTREME CHANNEL sa buong kapuluan at sa ABS-CBN The Filipino Channel (TFC) Global sa ibang parte ng mundo. Sa Kalakhang Maynila, ang Pinoy Extreme ay nasa Destiny cable ch. 83, Cablelink ch. 55 at G-Sat ch. 7. Mapapanood rin ito sa iba’t ibang mga cable operator nationwide. Kung may mga katanungan hinggil sa mga isyung motoring, motorsports at transportasyon, wag mag-atubili na makibahagi sa www.facebook.com/InsideMotoring o di kaya’y magtext sa 0918-4479006. Salamat po!