Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SUNOG AT PAGSUBOK (3)

$
0
0

MATAAS ang aking paggalang sa ating mga bumbero. Batid ko ang kanilang araw-araw na pagsasakripisyo upang mailigtas ang ating mga mamamayan kaya ako’y nalulungkot na bilang isang mamamahayag ay naranasan ko mismo na maging biktima ng kanilang mga kasamahang baluktot.

Noong ako’y kapanayamin ng Radyo Singko sa pamamagitan ng ating kasamahan at kabarilan na si Nina Taduran, iginiit nitong si Senior Fire Inspector Renato Marcial na siyang spokesperson ng Bureau of Fire Protection na kailangan kong magsampa ng demanda para kanilang masawata ang kanilang mga kasamahang kawatan.

Naisip kaya niya na sa gaya ko na nawalan ng bahay at nawalan ng mga ari-arian ay may panahon pa akong gumugol ng oras at panahon sa pagsasampa ng mga ganitong demanda?

Siyempre uunahin kong asikasuhin ang kapakanan ng aking pamilya. Uunahin ko ang paghahanap ng malilipatan pansamantala. Uunahin ko ang paghahanap ng pera na aming magagamit sa aming pang araw-araw na pangangailangan at sa mga materyal na gagamitin upang muling maitayo ang aming tahanan.

Ngunit siyempre hindi alam ito ni Marcial sapagkat wala naman siya sa aming sitwasyon. Sa tingin niya, napakasimple ang kanyang kagustuhan samantalang kung tutuusin, ang mga ganitong uri ng katiwalian sa BFP ay maaari namang imbestigahan na hindi na kinakailangan ang reklamo.

Hangga’t ganito mag-isip ang tao sa BFP na gaya nitong si Marcial ay hinding-hindi matutuldukan ang katiwalian sa ating mga bumbero.
Lumalabas na hanapbuhay na ito para sa ilan sa kanila dahil mababa lamang daw ang kanilang tinatanggap na sweldo.

Kapansin-pansin din ang kanilang kawalan ng sistema tuwing may mga ganitong sakuna. Hindi naisip ng mga ito na hindi dapat natatapos sa pagpatay lang ng sunog ang kanilang trabaho.

Mantakin niyo, ni walang ginawang police line sa lugar na pinagsimulan ng sunog at ni wala man lang arson investigator na nagtiyagang maghanap ng mga ebidensya na maaaring tumukoy kung ano talaga ang dahilan ng sunog. Nagkasya ang mga tamad na imbestigador sa mga interview.

‘Yan kasi ang problema kapag tila mechanical na ang trato sa trabaho. Basta’t makapag-comply lang sila sa mga hinihinging paper work ay ayos na.

Kunting tipa ng TDPO (Time, date and Place of Occurrence) at medyo kaunting boladas sa “cause of fire” ay plantsado na ang report.

Ganyan ang sistema sa BFP. Hanggang ngayon ay lumang sistema pa rin ang umiiral kaya sa tingin ng marami sa kanila ay utang na loob pa ng mga mamamayan kapag sila ay pagnakawan.

****
Para sa inyong mga sumbong tungkol sa mga mali sa lipunan at mga tiwaling lingkod-bayan, mga komento at suhestyon ay mag-email lamang sa gil.bugaoisan@gmail.com. BIGWAS/GIL BUGAOISAN


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>