Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KUDETA AT IMPEACHMENT SA SAF MASSACRE

$
0
0

HALO-HALO ang bumabalot sa gobyernong Aquino ngayon.

May nag-iisip ng kudeta at may nag-iisip din ng impeachment.

Siyempre, sa kudeta ay pinag-uusapan ang gawang militar at pulis. Pang-aagaw ng kapangyarihan mula sa isang sibilyan na pamahalaan ang kudeta.

Mga politiko naman ang sangkot sa impeachment.

Sa kudeta, dulo ng baril ang iyong kausap. Sa impeachment, pera, este, boto ng mga mambabatas ang iyong bibingwitin para manalo.

KUDETA

Masakit ang naganap na pagkakamasaker ng nasa 44 na pulis na pawang mga miyembro ng Special Action Force.

Ikinasasakit ng loob ng ilang pulis at militar ang tila malaking kapabayaan sa mga namatay sa gitna ng labanan.

Nag-alay umano ng buhay ang napakaraming pulis para lang mahuli ang mga teroristang sina Malaysian bomber Zulkipli Bin Hir alyas Marwan at Abdul Bassit Usman pero hindi maganda umano ang pagtrato ng mga lider ng bayan.

Sa halip umano na gumawa ng paraan ang gobyerno para sa pagkamit ng hustisya, tila kinakampihan pa umano nito ang mga rebeldeng grupong Moro Islamic Liberation Front at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.

At nang dumating na ang bangkay ng mga napatay sa Villamor Airbase, mas ginusto pa umano ni Pangulong Benigno Aquino III na dumalo at makipagsaya sa pagtatayo ng planta ng sasakyan sa Laguna.

Ito at iba pang sariling dahilan ng mga pulis at militar ang mga dahilan kung bakit may nagbabalak umanong magkudeta.

O kayong nasa Malakanyang, huwag ninyong sabihin na nagkulang kami sa media sa pagpapaalala sa inyo.

IMPEACHMENT

Mga politiko naman ang nag-iisip ng impeachment laban kay PNoy.

Isa umanong dahilan ay ang pagkuha umano sa isang suspendido na hepe ng Philippine National Police na maging bosing ng operasyon kina Marwan.

Wala dapat karapatran at kapangyarihan si suspended Alan Purisima na mamuno at mangasiwa sa operasyon.

Ayon sa ulat, mga Bro, minanduhan ni Purisima si SAF boss Getulio Napeñas at si Purisima ang nagre-report kay PNoy.

May nagsabi pang nasa Mindanao si PNoy noong Linggo sa Zamboanga hindi para asikasuhin ang mga nabomba kundi hintayin ang mga ulat sa operasyon ng SAF.

ANG MGA TANGA

Wala namang maisip ang mga kritiko sa mga ginawang tanga sa operasyon.

Sina Department of Interior and Local government Mar Roxas at Officer-in-Charge Leonardo Espina.

Tanga umano ang mga ito dahil inilihim sa kanila ang SAF operation.

Katanga-tangahan dahil sila mismo ang bossing ng SAF pero wala silang kaalam-alam sa pangyayari.

Sabi ng mga kritiko, hindi kudeta o impeachment ang para sa mga ito dahil hindi naman talaga sila makukudeta o mai-impeach.

Dapat umanong mag-resign na lang sila kung binabalewala sila ng mga opisyal ng pamahalaan.

Kakapalan na lang umano ng mukha ang meron sila kung kumapit-tuko sila sa puwesto.

DRAMA LANG

Pero may nagsasabi namang drama lang ang kawalan ng alam ni Roxas.

Kasi kapag sinabing kasama siya sa mga nag-uutos sa mga SAF at ganito na nga ang nangyari na natalo ang mga ito ng mga rebelde sa labanan, babagsak ang kandidatura nito bilang Pangulo sa halalang 2016.

Mapagbibintangan umano ito na tanga, inutil at palpak na bosing ng Pinas sa loob ng anim na taon mula sa 2016.

Hindi nga naman kailangan ang tanga, inutil at palpak na Pangulo.

CONDOLENCES

Mataas ang respeto natin, mga Bro, sa mga pulis.

Araw-araw na kasama natin ang mga ito at ramdam na ramdam natin ang seguridad sa kanilang mga kamay.

Kaya gayun na lamang kung paano natin sila pahalagahan.

Malugod tayong nagbabayad ng buwis para may pansahod sa kanila. Gumagawa rin tayo ng paraan, kahit gaano kaliit, upang may matulungan tayo sa kanila sa oras ng kanilang mga kagipitan gaya ng gutom, sakit, panloloko ng korap at marami pang iba.

At nakaka-shock talaga na malaman at makita natin silang parang basta na lang kinatay na mga hayop. At lalong hindi magandang tingnan na namatay sila dahil sa mga kapritso ng mga lider ng bayan natin.

Kabilang sa mga kapritso ang pag-interes ng mga ito sa reward na $6-milyon na mahigit sa P200-milyon at isinubo ang mga SAF sa kamatayan makamit lang nila ang reward.

May naghangad din ng good rekord sa politika sakaling magtagumpay sila.

Kaya naman, dito sasabihin ang malungkot condolences sa ating mga bayaning pulis.

o0o
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>