Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

HUSTISYA, KAPAYAPAAN AT ATRAS-NEGOSYO

$
0
0

BIGLANG nagsiatrasan ang maraming dayuhang negosyante sa Mindanao makaraang mangyari ang Mamasapano, Maguindanao encounter, ayon sa Bangsamoro Business Club na naghahanap ng mga dayuhang mamumuhunan at lokal na kapitalista para magnegosyo sa nasabing lugar.

Ang masakit, hindi lang iilan kundi marami ang agad na nagsiatrasan o nag-iisip pa kung maglalagak pa sila ng puhunan sa Mindanao o hindi na.

Negosyo sa agrikultura at lupa ang target ng mga mamumuhunan dahil matataba ang mga bakanteng libo-libong ektarya na pupwedeng pagtayuan ng mga negosyo.

Mayroon ding interesado sa pagmimina sa lupa at karagatan.

Kabilang sa umatras o nagmumuni-muni ang mga taga-Singapore, Malaysia at Jordan.

Bilyon-bilyong piso ang halaga ng negosyo ang sana’y nakahandang ibuhos ng mga mamumuhunan anomang araw kung walang naganap na madugong patayan na lumikha ng takot sa mga investor.

PAKINABANG

Marami sana ang makikinabang sa mga malalaking negosyo na itatayo. Kabilang sa mga makikinabang siyempre ang mga lokal na negosyante na pakner ng mga dayuhan.

Makalilikha naman ang mga ito ng maraming trabaho na pabor sa mga mamamayan.

Makikinabang din ang gobyerno sa maraming buwis, multa, prangkisa, lisensya, permiso at iba pang iisyu nito.

Makalilikha rin ang mga negosyo ng mga imprastraktura kahit saan: tulay, kalsada, pier, paliparan, water suplay, kuryente, komunikasyon, dagdag na negosyo sa paligid gaya ng mall, tindahan, sari-sari store, transportasyon at iba pa.

BUONG PILIPINAS MAKIKINABANG

Ibig-sabihin, mga bro, kung uunlad ang Mindanao, makikinabang din ang buong bansa.

Hindi na kailangang bumiyahe sa Visayas at Luzon at magkumpulan sa mga siksikan na lugar ang mga taga-Mindanao.

Diyan sa Mindanao, masasagot mismo ang mga problema sa empleyo, pananahanan, edukasyon, pagkain, gamot, tubig, kuryente at iba’t ibang imprastraktura na kailangan din sa pag-unlad.

IRA AT LGU

Sa pag-unlad din mismo ng mga lokal na komunidad, uunlad din ang mga lokal na pamahalaan at lalaki rin ang kabig nila sa Internal Revenue Allotment.

Magkakaroon din ng tyansa ang mga taga-Luzon at Visayas na pupunta, manirahan, magtrabaho at magnegosyo sa Mindanao.

Kung magtutulong-tulong ang mga pambansa at lokal na pamahalaan sa paggawa ng mga proyektong magpapagana sa pag-unlad ng Mindanao, tiyak na darating ang araw na magkatotoo ang pangarap noon pa na isang “lupang pangako” ang Mindanao.

KAPAYAPAAN

Pero ang lahat ng “kaunlaran” na ito’y dapat na nakatindig sa kapayapaan.

Pero ang kapayapaan ay hindi batay sa pwersahan at pagdanak ng dugo.

Ang kapayapaan dapat ay galing sa kusa na magandang relasyon ng lahat, may pag-uusap, pagkakaintindihan at pagtutulungan.

Pati ang mga problema, kasama na ang mga patayan, ay agad na bibigyan ng atensyon at mga karampatang katugunan.

Hindi rin dapat na manaig ang mga pag-aagam-agam at pagdududa sa isa’t isa na karaniwang pinagmumulan ng mga pangyayaring hindi maganda sa lahat.

HUSTISYA

Subalit ang kapayapaan ay walang silbi at mananatiling panandalian lamang kung walang hustisya.

Ito ang napakahirap na tamuin, lalo’t may kanya-kanyang interes na inilulutang ng mga sangkot sa mga giyera o krimen gaya ng naganap sa patayan sa Mamasapano.

Sa Mamasapano encounter, lumalabas ngayong may mali sa pagnanais ng pamahalaan na isuko ng MILF ang mga pwersa nilang nakapatay sa mga SAF operative.

Paano naman daw ang mga napatay na 18 nilang tauhan? Paano umano ang iba pang grupong nakapatay, kabilang na ang mga taga-Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at mga tauhan ng mga politikong sangkot sa Ampatuan massacre?

Hangga’t walang hustisya, nasa alanganing kalagayan ang Mindanao.

AWA AT PAGMAMAHAL

Mayroon pang sangkap para sa kapayapaan at hustisya.

Kung wala umanong awa para sa kapwa at paiiralin ang kawalan ng pagiging makatao, hindi matatamo ang kapayapaan at katarungan.

Sapagkat sa awa nakikita ang pagiging makatao at mapagmahal ang isang kapwa sa kanyang kapwa.

Sabi ng iba, ngayon dapat ipakita ang pagiging mapagmahal sa isa’t isa.

Kumbaga, dito pupwedeng pairalin ang dala-dala ni Pope Francis na mensahe: ang MERCY AND COMPASSION.

Sey niyo, mga Bro?

o0o
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Two timer Sad tagalog Love quotes


Tagalog Love Quotes 2014 – Best Online Collections


Tagalog God Quotes to inspire you


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC


Top Tagalog Love Quotes Online Collections


Mga Patama Quotes and Banat Tagalog Love Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Sunny Hill - Once In Summer 2014



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>