Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SIGAW NG KATARUNGAN

$
0
0

NAPAKALAKING dagok para kay Pangulong Noynoy Aquino ang Mamasapano incident.

Dahil sa kasaysayan ng mahigit apat na taong pamumuno, ito na ang pinakamalaking problema na dumating  sa liderato ni PNoy.

Namatay ang kuwarenta’y kuwatrong commando ng PNP-Special Action Force dahil sa sinasabing ‘mishandling’ ng Mamasapano incident.

Kung paano susuungin ang galit ng taumbayan dahil sa pagkamatay ng SAF 44, ‘yan ang tiyak na umuukilkil sa utak ng Pangulo.

Hula ng mga political expert, lagapak ang susunod na rating ng anak nina Ninoy at Tita Cory dahil sa nangyari sa Mamasapano, Maguindanao.

Umapaw ang nagngangalit na damdamin, hindi lang sa bawa’t sulok ng Pilipinas, kundi umabot pa sa maraming lugar sa iba’t ibang bansa.

Para mapawi ang galit ng sambayanan, dapat ay magpaliwanag ang Pangulo sa maraming katanungan tungkol sa pakpak na ‘Oplan Wolverine’.

Walang natutuwang Filipino sa ulat na itinago ni PNoy kay Sec. Mar Roxas at PNP-Officer in charge Gen. Dindo Espina ang operasyon.

Nagmukhang gago sina Sec. Roxas at Gen. Espina matapos sumabog ang balita na nagkaroon ng operasyon para dakpin si Marwan.

Malas dahil maraming SAF ang namatay kaya imbes na bida ang Pangulo, siya ngayon ay kinukutya dahil sa palpak na trabaho.

Lalong nagpangalit sa tao ay ang ‘di pagsipot ng Pangulo sa pagdating ng mga bangkay ng Fallen 44 sa Villamor Airbase.

Ang commander-in-chief na inasahang sasalubong sa mga tauhang nagbuwis ng buhay ay nakipagsosyalan pala sa affair ng isang car firm. Eh, talaga ngang maisusumpa mo ang isang lider na ganyan.

Sa kanyang televised speech, halatang walang laman ang utak ng Presidente dahil binabagabag ang kanyang budhi sanhi ng pagkamatay ng SAF 44.

Wala man lamang sinabi tungkol sa mga Moro Islamic Liberation Front at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters na itinuturong nasa likod ng karumal-dumal na masaker sa kaawaawang 44 SAF commandos.

Ang malinaw sa ngayon, tuloy-tuloy at hindi humihinto ang sigaw at panawagang katarungan para sa fallen 44.

Dapat tumatak sa kukote ng Pangulo na hangga’t wala siyang kongkretong pahayag  ukol sa panawagang hustisya sa mga namatay na SAF commandos, siya’y patuloy na tatanggap ng batikos mula sa nagagalit na sambayanan. CHOKEPOINT/BONG PADUA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Tagalog Love Quotes 2014 – Best Online Collections


Tagalog God Quotes to inspire you


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Sunny Hill - Once In Summer 2014


Top Tagalog Love Quotes Online Collections


Mga Patama Quotes and Banat Tagalog Love Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>