Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PAHIYA SI KRIS KAY JUDAY

$
0
0

ANG daming nang-aaway ngayon kay Kris Aquino sa social media. E, kasi itong si Kris, inaaway rin niya ang mga bumabatikos sa kalbo niyang kuya dahil sa kawalan ng tunay na malasakit sa tinaguriang “Fallen 44″ o “SAF 44.”

In-unfriend ni Kris pati ang mga kasamahan sa showbiz na nagkomento laban kay PNoy.

Hindi na bago ito kay Kris. Karakter na niya na makahanap ng kaaway sa kahit anong gawin o sabihin niya sa telebisyon o social media sa pagtatanggol sa mga kapalpakan ng kanyang kapatid. Masyado niyang pinepersonal ang anomang komentong inaani mula sa publiko ng kanyang kuya.

Nag-ugat ito sa pag-post ng kapwa artistang si Judy Ann Santos ng artikulo kung saan pinatamaan si PNoy sa hindi pagdalo sa arrival honors sa ‘Fallen 44’ sa Villamor Air Base (VAB) noong nakaraang linggo.

Mas ginusto ni PNoy na dumalo sa inagurasyon ng Mitsubishi Motors sa Sta. Rosa, Laguna at ang palusot ng Malacañang, nasa iskedyul daw kasi ang nasabing okasyon.

Tinawag ito ng maraming netizen na kamanhidan sa paghihinagpis ng mga pamilyang naulila at kawalang malasakit sa mga biktima. Nag-post pa si Juday sa kanyang Instagram ng litrato ni US President Barack Obama noong Agosto 9, 2011 nang kinansela niya ang kanyang iskedyul para magpugay sa namatay na 30 sundalong Amerikano sa Afghanistan nang pabagsakin ng mga rebelde roon ang kanilang helicopter.

Simple lang ang sinabi ni Juday, “Obama knows his priorities.”

Nagalit si Kris kay Juday kaya inalis niya ito sa kanyang mga “friend” sa IG. Sinundan pa niya ito ng post na, “Take a moment to walk in my shoes, I bet you’ll fall on the first step.” Lalong magagalit ang netizens sa inihayag na ito ni Kris.

Ang sabi nga ng marami sa kanya sa social media, estupida talaga itong si Kris at nagmana sa kanyang kuya na sarili lang nila ang iniisip. Hindi lang pala si Juday ang dismayado kay PNoy.

Pati si singer Regine Velasquez ay inalis ni Kris sa mga friend niya sa Instagram dahil sa mapait na komento ng mang-aawit kay Pangulong Noynoy.

Pero ibinalik din ni Kris sa pagiging friend niya si Regine nang maalala siguro na ang mister ng singer na si Ogie Alcasid ay may malaking naitulong sa pagkapanalo ng kanyang kuya. Kung patuloy nga naman niyang aawayin si Regine, lalabas na walang utang na loob ang mga Aquino kay Ogie.

Maging si Jomari Yllana ay masakit ang mga komento kay PNoy. Si PNoy na raw aniya ang pinakatangang naging Pangulo ng Pilipinas.

Inaasahang bubuhos pa ang mga batikos kay PNoy dahil sa pag-epal at pagtataray ni Kris.

Dapat tandaan ni Kris na hindi showbiz ang pinatatakbo ng kanyang kuya kundi isang bansang nahaharap sa kahirapan at maraming eskandalo kung kaya sandamakmak talaga ang babatikos sa kanya. Huwag siyang pikon dapat.

Tama naman kasi si Juday. Hindi alam ni PNoy ang kanyang mga prayoridad sa bansa bilang Pangulo ng bansa. KANTO’T SULOK/NATS TABOY


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>