Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

HITIK NG BUNGA KAYA BINABATO

$
0
0

pakurotMARAMING ipinatupad na pagbabago sa Bureau of Customs si Commissioner Ruffy Biazon kung kaya’t marami sa mga tiwaling empleyado, kasama ang mga smuggler at manlolokong broker, ay galit sa kanya.

Hindi naman nakapagtataka dahil nga sa napakaraming mali ang kanyang itinuwid upang palakasin ang kampanya ng BOC laban sa katiwalian kasabay ng pag-agapay sa “daang matuwid” ni Pang. Benigno Aquino III.

Pero pinalalabas ng kanyang mga kritiko na wala itong ginawang hakbang upang protektahan ang kapakanan ng mga magsasaka ng ating bansa kaya’t puro batikos ang tinatanggap ni Biazon.

Hay naku, isa lang patunay ito sa kasabihang “kapag hitik ng bunga ang isang puno ay pinupukol ito ng bato” upang malaglag o malagas hindi lang ang dahon kundi maging ang bunga nito.

Kahit anong pagbabago ang ipatupad niya sa BOC ay patuloy siyang babatikusin dahil nga sa may mga naiinggit sa kanya at target ang kanyang puwesto.

Manigas kayo! Malaki pa rin ang tiwala ni Pang. Noynoy kay Comm. Biazon na magtutuloy-tuloy ang kanyang mga programa na sumusugpo sa katiwalian at muling magpapatatag sa ekonomiya ng ating bansa.

Sa ngayon, panibagong 39 na rice importer ang tinanggal sa listahan ng Interim Customs Accreditation and Registration unit matapos matuklasang nagpapagamit o nakikipagsabwatan sa smuggler na nagpapahirap sa kabuhayan ng mga magsasaka. Ang ilan sa mga ito ay walang kakayahang mag-angkat habang ang iba ay kooperatiba na ginagamit lang sa katiwalian.

Maituturing na napakalaking hakbang ang ginawa ng ICARE sa direktiba na rin ni Biazon na tanggalin ang halos 170 importer at broker sa talaan.

Pinakamalaki ito sa kasaysayan ng BOC.

Kaya nga mag-isip-isip na ang iba pang nais na tumalo at manloko sa BOC dahil tiyak na hindi  kayo makalulusot sa matinding pagmamasid ng bagong BOC.

oOo

Nakalulungkot na inihatid kahapon sa huling hantungan si Eunice Erestain, vendor, sa Buenamar St., Brgy. Novaliches Proper, Quezon City na hindi nakamtan ng kanyang pamilya ang katarungan. Binaril ito ng hindi nakilalang lalaki sa mismo sa harapan ng kanyang puwesto na halos katapat lang ng Barangay Hall at likod ng Novaliches Police Station noong Pebrero 22, 2013.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Long distances monthsary message tagalog


Best Inspirational Love Quotes Collection



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>