Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PET SUPPLIER NG BFP SABLAY ANG DELIVERY

$
0
0

Allan Encarnacion mano_mano web copyHINDI na ba talaga mauubos ang iskandalo sa Bureau of Fire Protection?

Ang totoo, ngayong pumasok na ang Fire Prevention Month, mukhang mas dapat apulahin ni DILG Secretary Mar Roxas ang malaking sunog sa loob mismo ng BFP para masagip pa ang maraming pondong inilaan ng gobyerno sa pagbili ng kanilang mga kagamitan.

Isang halimbawa na rito ang malaking kuwestiyon kung bakit ang all-time favorite na supplier ng BFP national office ay ang Panpisco Technologist, Inc.
Wala na bang iba?

Ayon sa mga dokumento, ang Panpisco ang nabigyan ng award para mag-suplay ng 1,687 sets ng firecoat at trouser noong 2010 na nagkakahalaga ng P40,304,117; ganoong quantity rin ang pair of fire boots sa halagang P7,925,526;  fire coats and trouser na 625 sets na P14,931,875. Para naman sa taong 2011, ang

buwenas na Panpisco rin ang nabigyan ng award ng BFP para sa delivery ng 625 pieces ng fire helmet na nagkakahalaga ng P4,087,500; fire boots na 625 pieces worth P2,936,250 at 448 units ng self-contained breathing apparatus na P50,706,432.

Ang tanong, dahil ba teacher’s pet ang Panpisco ng mga hari sa BFP at DILG, puwede na silang palusutin kahit maraming kuwestiyon sa kalidad ng kanilang delivery at taliwas sa isinasaad ng technical specifications ng mga kailangan ng bumbero? Ayon sa nakausap nating bumbero, sablay ang delivery ng Panpisco na Sancheong helmets dahil lumang modelo na at kahit ang mga pagong ay magrereklamo kapag ipinalit nila ito sa kanilang likuran. Ang delivery ng Panpisco ay EN443:1997 Edition habang ang requirement ay ang pinakabago tulad ng EN443:2008 Edition. Iyon yata ang helmet ng mga bata ni Hitler kaya kahit lagyan mo ng sabaw ng bulalo ay tiyak na tatagas!

Bukod sa palpak na helmet, umaangal din ang mga bumbero sa Self-Contained Breathing Apparatus o SCBA dahil parang mas maganda pa ang tangke ng superkalan sa delivery ng Panpisco. Sa specifications, ang SCBA ay dapat EN 137 for breathing apparatus, EN136 para sa face mask at EN 12245:2002 para naman sa cylinder o iyong tangke na paglalagyan ng oxygen. Ginagamit ito ng mga bumbero kapag pumapasok sila sa mga nasusunog na structure para makahinga pa rin kahit mausok.

Ang tanong, bakit ang mismong face mask ay may marking na  EN 136:1996 pero ang kasamang manual ay EN 136: 1999? Chopsuey ba ito? Pero batay sa mga record, walang face mask na lumabas na 1996 or 1999 edition.

Ang sinasabi sa specification na latest o current edition ng face mask ay 1998 kaya kung sino man ang magde-deliver ng 1989 at 1992 edition ay nahihibang na dahil super obsolete na ito. Pero sa Panpisco, 1996 at 1999 ang delivery na pareho namang ghost edition.

Ngayon, saan napulot ng Panpisco ang sarili nilang edition? Hindi kaya maskara ni Batman ‘yang nai-deliver ng Panpisco?

allanpunglo@yahoo.com


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>