Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

LAGLAGAN SA UNA

$
0
0

ALINGAWNGAW_Alvin-Feliciano_WEBTIYAK na magkakanya-kanya na ang mga kandidatong senador ng United Nationalist Alliance o UNA.

Ito ay matapos na 3 la-mang sa kandidato nito ang pumasok sa SWS survey na ginawa noong kalagitnaan ng Agosto.

Kabilang sa mga pumasok sa top 12 sa UNA ay sina Rep. JV Ejercito, Nancy Binay at Migs Zubiri.

Sa tatlong nabanggit, sina JV at Nancy ay pawang nakabase sa popularidad ng kanilang mga ama habang si Zubiri naman ay palaging nasa bingit ng alanganin.

Kung ating papansinin, ang resulta ng naturang survey ay nagpapahiwatig lamang na hindi na ganoon kalakas ang tatlong alas ng UNA na sina dating Pangulong Erap, VP Jojo Binay at Senate President Juan Ponce Enrile.

Malinaw na ang simpatiya ng publiko ay nasa Team PNoy na,  kung saan tanging si Pangulong Noynoy Aquino lamang ang tanging nagdadala ng bandera.

Malinaw rin na epektibo ang “tuwid na daan” ng Pangulo dahil ito ang nag-angat sa kanyang mga kandidato sa Team PNoy na kung saan siyam dito ang pumasok sa SWS survey.

Biggest loser sa naturang survey ang anak ni Enrile na si Jackie, na halatang nadamay sa MOOE issue sa Senado.

Kaya’t bilang beteranong politiko ay tiyak na gagawa ng paraan ang mga hari ng Cagayan na huwag tuluyang matalo ang kanilang pambatong mambabatas sa Senado.

Bukod kina Enrile, nariyan din ang pangalan nina dating Senador Dick Gordon, Ernesto Maceda, Rep. Mitos Magsaysay at dating Gobernadora Tingting Cojuangco.

Tiyak na hindi papayag ang mga beteranong politikong ito na matalo kaya’t siguradong magkakanya-kanya na ang UNA at ang pag-iiwanan ng mga UNA candidate ay magaganap ngayong unang bugso pa lamang ng kampanyahan.

Dito angat ang Team PNoy at iyan ang magpapanalo sa kanilang lahat dahil malinaw ang bilin ng Pangulo na walang maiiwan sa daang matuwid na kung saan taumbayan ang panalo.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>