Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BAWAL SA BATA

$
0
0

NAGPASA ng batas ang pamahalaan ng Taiwan na ipinagbabawal na ang paggamit ng iPad para sa mga bata sa bansa nila na may edad 2-taon pababa.

Limampung-libong Taiwan dollar ang multa kapag nahuli na lumabag sa batas na ito.

May karugtong pa ang batas na ito, na nag nag-uutos na dapat may limit daw ang oras ng paglalaro ng mga kabataan sa computer or may limit dapat ang digital connection nila pero hindi malinaw ang parteng ito ng nasabing batas.

Paano nga naman mamo-monitor ang limit na ito?

Siguro kung dito sa atin ‘yan, isa sa mga magiging reaksyon ay ang pagkwestyon sa pakikialam ng gobyerno sa dapat ay responsibilidad ng mga magulang pero hindi mo rin maiaalis ang concern ng pamahalaan ng Taiwan.

Hindi ba nga ay naisulat na natin sa ating kolum ang bagong sakit na ito, ang addiction ng mga bata sa computers.

Acknowledged na ng mga expert na isa na ngang addiction ito, addiction sa computers, partikular sa gaming.

May mga kontra rin sa ideya ng pagbabawal na ito ng iPad sa mga paslit, lalo’t galing sa mga magulang na ginagawang yaya ang mga gadget na ganito.

May mga magulang na nakausap ko at nagsasabi na malaking tulong sa kanila ang mga gadget sa pamamagitan ng pag-aaliw sa mga anak nila, lalo kung may iba silang dapat pagtutuunan ng pansin sa bahay.

Ang iba’y nagsasabi na mas parang matatalino ang mga bata ngayon dahil sa exposure sa internet.

Pero nakikita na rin ng mundo ang negative impact ng sobrang gamit ng internet lalo sa mga bata.

Ito siguro ang iginigiit ng mga mambabatas sa Taiwan.

Hindi ako magtataka na magiging kontrobersyal ang batas na ito para sa ibang bansa, abangan natin ang magiging reaksyon nila.

Samantala, ano sa palagay ninyo?

Sa mga magulang na Pinoy, sa mga nakare-relate, sa mga nakaiintindi ng isyu na ito, mag-share ng inyong opinyon para marinig ng mas maraming magulang ang iba’t ibang pananaw tungkol dito.

o0o
Mag-email ng reaksyon at opinyon sa ariel.inton@gmail.com o mag-text sa 09178295982 o 09235388984. SIBOL/ATTY. ARIEL ENRILE-INTON


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>