Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DAHIL SA PAGKAKAIBIGAN

$
0
0

FINALLY ay nadapuan na rin ng hiya itong si dating PNP Chief Director General Alan Purisima at ito namang si PNoy ay nahimasmasan na rin marahil sa katotohanang mas mahalaga ang kapakanan ng bayan kaysa kaibigan.

Sa totoo lang, hindi ko masisi nang lubos itong si PNoy sa hindi mapantayang tiwala na ipinagkaloob niya kay Purisima.

Kahit sino man sigurong kaibigan na pinagkautangan pa natin ng ating buhay ay hindi natin maaaring talikuran kahit ano pa ang sabihin ng iba.

Ang nakapagngingitngit ay itong si Purisima. Bilang isang PMAyer at isang pulis ay batid sana nito na higit sa pagkakaibigan ay mas mahalaga ang bayan at taumbayan para isang Pangulo at ama ng buong sambayanan.

Sa halip na siya ang magmalasakit sa kanyang kaibigan ay tila lalo pa niya itong inilagay sa kapahamakan at kahihiyan.

Siguro naisip nitong si Purisima na ano nga naman kung umani ng batikos kaliwa’t kanan si PNoy, eh, siya naman ang nagligtas dito noong siya ay pinagtangkaang patayin sa naganap na 1989 coup.

Ganyan mag-isip itong si Purisima na siya ring dahilan kung bakit kalbaryo ang pinagdaraanan ng mga kagaya kong gun owner matapos nitong pagkakitaan ang paglilisensya ng baril.

Nitong huli ay hindi lamang isyu ng korapsyon nasasangkot itong si Purisima.

Lumalabas din na siya pala ang may pakana ng naganap na Marwan raid sa Mamasapano, Maguindanao na siyang dahilan ng pagkamatay ng may 44 operatiba ng PNP-Special Action Force.

Lumalabas din na siya ang tumitimon sa operasyon na nauwi sa karumal-dumal na pagkamatay ng ating mga pulis na SAF dahil hindi sila nabigyan ng reinforcement.

Nakonsensya na rin siguro ang mokong kaya nagbitiw na rin ito sa puwesto dahil talagang ayaw siyang bitawan ng Pangulo.

Wagas ang pakikipagkaibigan nitong si PNoy kay Purisima. Naisip siguro niya na more than anybody, mas mapagkakatiwalaan niya si Purisima dahil sa haba at lalim ng kanilang samahan.

Sinamantala naman nitong si Purisima ang tiwalang ito ng Pangulo kaya hanggang sa huli ay kapit-tuko pa rin ito.

Ang pananamantalang ito ni Purisima ang siya ring dahilan kung bakit nagtiwala ang Pangulo sa kanya upang pangunahan ang Marwan operation kahit sa tingin ng iba ay isa itong armchair general at salat ito sa kaalaman pagdating sa trabaho ng tunay na pulis.

Sabi ng iba sa Crame, eh, mautak lang sa negosyo itong si Purisima ngunit mababa raw ang kanyang combat IQ.

Ito marahil ang dahilan kung bakit noong ilatag ang plano ng operasyon ay ni walang nakahandang evacuation, artillery at armor support itong ating mga SAF noong pasukin nila ang Mamasapano na alam naman nilang kuta ng napakaraming armadong residente.

Sa bandang huli ay nagsakripisyo ang ating SAF dahil sa kapalpakan na ito ni Purisima.

Ang masakit ay 44 na SAF ang nalagas dahil lang sa isang pagkakaibigan na noon pa sana ay matagal nang pinutol ni PNoy. BIGWAS/GIL BUGAOISAN


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>