Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

AKLAS SBMA

$
0
0

MAY nagparating sa atin ng sulat mula sa 3 libo na manggagawa ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

Sa kanilang pahayag, magsisimula ang kanilang pag-aaklas sa Pebrero 9, una, sa pamamagitan ng paglalagay ng itim na arm band sa flag raising at araw-araw, tuwing tanghali at hapon ay kilos-protesta.

Ano ba ang totoo Chairman Robert Garcia?

Sa hinaing ng mga empleyado ng SBMA, napag-iwanan na sila sa suweldo batay sa batas mula sa Salary Standardization Law.

Pinakahuling dagdag-sahod ay noon pang taong 2009.

In fairness, inendorso ni Garcia, kasama na ang DBM at Finance, pero ang problema raw, natabunan na ito ng bundok ng mga dokumento sa mesa ni Pangulong Benigno Aquino III (BSA3).

Well….Ang dami na ring sulat na ginawa ang Unyon pero wala pa ring sagot. Maski ang mga inakala nila na mga senador na makatutulong tulad ni Antonio Trillanes at Grace Poe ay betlog pa rin sa usapin.

Ang huling resulta nga ng pagkilala sa reklamo ng mga obrero sa SBMA Board of Directors ay pumasa sa boto na 6-4.

Ha? Bakit may kalaban pa?

‘Yung apat ba na magkakatropa, magkakakutsaba at todo sa pagsipsip kay BSA3 ang kumontra?

Isa sa apat na kontrabida ng SBMA ay nagsusumipsip na alisin na si chairman Bobby sa ahensya at gusto niyang siya ang ipalit.

Ang taong ito ay palaging yabang at hangin ang nasa loob ng utak. Siya rin ang may pakana ng mga iligal na transaksyon sa loob ng ahensya.

Hindi siya dapat manatili sa ahensya, dapat ay sa KAMARA!

Sa laki ng ninakaw sa PDAF at DAP ng mga politiko at opisyal ng rehimen ni Aquino, sana ay nagpakatao sila kahit konti at ibigay ang hinaing ng mga manggagawa sa SBMA!

Ang mga empleyado ngayon ng SBMA ay taga-LONDON na.

Dahil sa liit pa rin ng suweldo, wala silang magawa kundi kapit sa patalim sa bisa ng LOAN DITO, LOAN DOON = LONDON!

Marami sa mga manggagawa ng SBMA ay nakatali o nakaposas na habambuhay sa mga loan shark.

Nakasanla ang kanilang mga ATM card na may mataas na interes o multa!

Kung kailan mapuputol ang ganoon nilang kalagayan, tanging si Aquino na lang ang makalulutas niyan.

Pero sa rami ng problemang ginawa ng damuho, maharap pa kaya niya ang mga boss niya sa SBMA?

Walang kakalas, ligal ang inyong laban!

Isang pagsuporta ng BALETODO sa inyo! BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>