Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

QCPD DIRECTOR, PWEDE NA

$
0
0

PWEDE nang sibakin sa kanyang trono ang hepe ng Quezon City Police District (QCPD) dahil sa kapalpakan nitong resolbahin ang krimen sa Lungsod Quezon.

Sa loob lamang ng isang buwan ay umabot na sa siyam na holdapan kabilang na ang mga restoran ang naitala sa lungsod pero hanggang ngayon ay walang nasasakote.

Si P/Sr. Supt. Joel Pagdilao pa ba ang hepe ng QCPD? Bihira ko kasi marinig sa radyo, mapanood sa telebisyon o mabasa sa mga pahayagan kung sino na ang hepe ng QCPD.

Tapos na ang karera ni dating QCPD Director P/Chief Supt. Richard Albano pero gusto ko siya dahil madalas at agarang resolba sa krimen ang nagagawa noong panahon na siya pa ang hepe.

Hindi naman talaga ubrang bantayan ng mga operatiba ng QCPD ang buong mamamayan ng Quezon City sa loob ng 24 oras pero dapat daanin sa matulin na pagresolba sa krimen.

Mantakin ninyo, taumbayan! Napakasarap kumain sa restoran na walang masyadong kustomer dahil nakatutok sa iyo ang buong serbisyo ng mga serbidora pero holdap ang aabutin mo.

Pinakahuli na rito ang isang Koreanang napatay ng mga holdaper sa isang kapihan sa Don Antonio Heights. Dagdag bilang na naman ito sa mga krimen na hindi nareresolba ng QCPD.

Pakaang-kaang daw kasi ang pamunuan ng QCPD. Abalang-abala sa mga ‘parating’ lalo na ‘yung mula sa operasyon ng ‘1602’ o iligal na sugal kabilang na hubuan blues sa mga bahay-aliwan. Diyan kayo magaling!

Kailangan pa bang bakbakan si QC Mayor Herbert Bautista para kumilos kayo riyan sa QCPD? Sa patuloy na paglobo ng krimen na hindi nareresolba ay si Mayor Bautista ang tatamaan ng sisi ng taumbayan.

Kung ganun din lang ay mabuti pang sibakin na ni Bautista ang hepe ng QCPD na alam kong hindi naman nito kursunada mula pa noong una. Hindi si Pagdilao ang nais ni Bautista na kapalit ni Albano. Alam ng lahat iyan!

***
Para sa komento o suhestyon: eksperto71@gmail.com EKSERTO/ JOIE O. SINOCRUZ, Ph.D.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.