Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MILF: ‘DI MAGSUSUKO NG ARMAS, GIYERA TULOY

$
0
0

SUMULAT si Mohagher Iqbal, chairman ng Moro Islamic Liberation Front peace panel at Bangsamoro Transition Authority sa Senado kahapon.

Sabi niya, “We will remain a revolutionary organization.”
Mananatili umano ang MILF bilang rebolusyonaryo hangga’t hindi nabubuo at naipatutupad ang Bangsamoro Basic Law.

Sa Senado ipinadala ang sulat dahil nagsasagawa ito ng imbestigasyon kaugnay ng kapalpakan sa Mamasapano, Maguindanao encounter na kinamatayan ng 44 na miyembro ng Special Action Force ng pulisya at ikinasugat din ng marami sa mga ito.

PAKIKIBAKA vs GOBYERNO

Pangunahing mensahe ng MILF diyan ang hindi pagtalikod ng MILF ng armadong pakikibaka laban sa pamahalaan.

Sapagkat masasabi lang na rebolusyonaryo sa ngayon ang isang organisasyon kung gumagamit ito ng armas upang maisulong ang mga layunin nito.

May ilang posibleng layunin ng rebolusyon.

Isa ang pagpapatumba sa nasasakupan nito ng pangunahing kalaban nito, ang pamahalaan.

Ikalawa, upang maging matagumpay ang isang rebolusyon, kailangan nitong magkaroon ng sariling teritoryo na hindi pupwedeng pakialaman ng pamahalaan.

At kailangan nitong magkaroon ng sariling gobyerno at mamamayan na bubuo ng sarili nilang lipunan na hindi hawak ng ibang gobyerno.

ARMAS ‘DI ISUSUKO

Dahil nakaugat ang tagumpay ng isang rebolusyonaryong organisasyon sa armas, hindi talaga magsusuko ng armas ang organisasyon at ito ang awtomatikong pakahulugan ng sulat ni Iqbal.

Dapat na unawain ito ng kahit sino sa pamahalaan. Huwag silang umasa sa anomang dasal o kahibangan na magsusuko ang MILF ng armas.

Kahit pa may napagkasunduan nang decommissioning o pagsusuko ng armas ang nasabing grupo. Lalo’t wala naman talagang BBL na dapat nilang panghawakan upang hindi sila basta pakialaman ng kahit sino.

Nangangahulugan na rin na ‘yang pasimula ng pagsusuko ng armas sa Marso ay suntok sa buwan.

Lalo’t may naganap na engkwentrong lumalagablab at posibleng pagmulan ng giyerang katakot-takot.

‘Yang pagsusuko ng nakumpiska nilang armas ay pwede nilang gawin pero nungka na isusuko nila ang kanilang mga sariling armas ngayon.

KAHIT SAAN

Hindi lamang ang MILF ang may posisyon na sila’y rebolusyonaryong organisasyon.

Maging ang New People’s Army-Communist Party of the Philippines.

Sa ating pag-aaral sa kilos ng CPP-NPA, halos pareho ang layunin nito bilang rebolusyonaryong organisasyon sa mga layunin ng MILF.

Lamang, walang tangka ang CPP-NPA na sumakop ng isang teritoryo at ihiwalay ito mula sa teritoryo ng kabuuang Pilipinas.

Layunin lang nito na tumbahin ang pamahalaan at palitan ito ng naaayon sa kanilang mga paniniwala para sa buong bansa at lipunan.

Kaya naman, sa peace agreement noon matapos bumagsak ang martial law, walang naganap na pagsuko ng armas.

At naging tuloy-tuloy ang kanilang laban hanggang ngayon dahil wala namang natupad sa kasunduan nila at ng pamahalaan noon, maliban lang sa pagpapalaya ng nakararami sa mga lider ng CPP-NPA.

BBL ‘WAG MADALIIN

Naiintindihan natin ng klaro ang mensahe ni Iqbal na kung walang BBL, mananatili silang organisasyong rebolusyonaryo.

Isang simple at walang paligoy-ligoy na salita. Pero hindi dapat na madaliin ito.

Kailangan talagang paraanin ang lahat ng probisyon ng BBL sa butas ng karayom at ilatag lahat sa harapan ng nakararami upang walang sisihan sa huli at upang walang gaanong pagkakamali na sa huli ay pagsisihan ng lahat o nakararami.

LABAG SA KONSTITUSYON

Isa sa mga nakikita nating magiging problema sa BBL ang pagsasampa ng demanda ng ilang grupo na sisilip sa pagiging constitutional o unconstitutional ng mga mahahalagang probisyon ng panukalang batas na ito.

Problema lalo na kung may idedeklara ang Supreme Court na labag sa Constitution.

Nangangahulugan niyan na kung gusto natin talaga na aakma ang Constitution sa BBL, kailangan nating bakbakin ang Saligang Batas at iakma ang BBL dito.

Problema talaga dahil matagal na usapin ‘yan.

Tiyak na lalagpas ang buong proseso sa panahon ni Pangulong Noynoy.

PAALALA KAY PNOY

Unsolicited advise, Mr. President: huwag mong pilitin na maaprubahan agad ang BBL para magkaroon ka ng magandang alaala sa iyong pag-alis sa Palasyo.

Huwag mong ipahamak ang buong bayan sa pansariling interes at kapritso lamang.

Pero hindi masama na sulong ninyo ang peace talks na simula naman talaga ng mas magagandang balitang darating.

o0o
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>