AS USUAL, matapos ang malagim na pagmasaker sa 44 na miyembro ng PNP-SAF kamakailan sa Mamasapano, Maguindanao, sumambulat ang mga aksyon at reaksyon ng mga organisado’t indibidwal na mamamayan.
Nagsakayan din ang mga mambabatas sa Kamara at Senado. Hindi nagpahuli ang mga politikong ambisyoso para maitatak ang pangalan nila sa darating na eleksyon 2016. May iba pa ba silang dahilan?
Ang nakatutuwa ay ang mga samahan, kilusan at organisasyon na mga prente raw ng taumbayan. Iisa naman ang kanilang sigaw, “papanagutin si Pangulong Benigno Aquino III” sa batayan ng command responsibility. May tama kayo!
Mayroon din naman nananawagan sa pwersa ng PNP at AFP na mag-aklas o maglunsad ng kudeta laban sa pabaya, ipokrito at bara-barang liderato.
May tama rin kayo!
Maski ang mga taong simbahan, ke Katoliko, born again, protestante’t iba pa, sumali rin sa tawag ng malawak na mobilisasyon at protesta para patalsikin na si G. Aquino sa kanyang puwesto.
Balido naman ang mga isyu na ipinupukol kung ang usapin ay operasyon ng PNP-SAF Oplan Wolverine at later, Exodus, na kinatha ng pwersang Kano – FBI, CIA, etc.
Sila ang gumamit ng “drone”, ‘yung maliit na eroplanong pang-espiya nila para matukoy ang kinaroroonan ni JI bomber Zulfikli Mir alyas MARWAN.
Tigok na raw!
Oust Noynoy? Papaano?
Eh, kayo mismong mga organizer ay sabog-sabog at ayaw makipag-isa sa ibang kilusan dahil sa personal naman ninyong bangayan sa politikang panloob at idolohiya?
Sa halip na mapakilos ang mamamayan, kayo ang humihilo sa kanila.
Hindi malaman kung saan at kanino sila sasama. May ilan naman na latak ng 1970 First Quarter Storm (FQS) na tuloy ang pakikibaka pero pang-indibidwal na lang nila.
Dahilan? Mukhang mahihina na dahil mga “senior citizen” na. Ganun ba? But joking aside, with the divided force of the leaders and their organizational fronts, it is too far to possible ousting Pres. Aquino.
Idagdag pa riyan ang mga hasa at pinagtibay ng FQS na mga tagapayo na ngayon ni Aquino.
Paano ninyo siya gigibain? President Aquino is not a simple enemy.
He might be inept and a dumdum leader but he is surrounded, adviced by intelligent people especially those who were highly involved in the mass movements during the FQS.
Noynoy uses his vast war chest – MONEY! He got PDAF, DAP, Presidential Social Fund, Intel Fund and more to buy and maintain his supposed critics.
He made them all multi-millionaires with full power to abuse! Eh, ang mga reaksyonista? Hati-hati pa rin.
Biyak-biyak lahat kaya at hindi makabuo ng tunay na pwersa.
Oust Noynoy pa? Paano? BALETODO/ED VERZOLA
