ANG pagpatay sa bawat miyembro ng media na mariing kinokondena ang isang concerned citizen ang bibigyan natin ngayon ng daan.
Basahin natin.
Mariin kong kinokondena ang isa na namang ginawang pagpatay sa isang miyembro ng media.
Nangyari ito sa isang radio commentator na si DYRD Eng. Maurito Lim na walang awang pinatay ng riding-in-tandem sa Tagbilaran City, Bohol.
Ang pagpaslang sa mga kagawad ng media ay lantaran at walang takot na isinasagawa ng mga salarin na hanggang ngayon. Hindi pa rin nakakamit ang hustisya.
Sa tala, umpisa noong 1992 ay umaabot na sa 79 ang kaso ng mga pinaslang na mediaman na kung saan sa ilalim ng gobyerno ni Pang. Noynoy Aquino ay nasa 34 ang napapatay.
Tila inutil ang pamahalaan na aksyunan ang dumarami na pagkitil sa buhay ng mga taga-media na nag-aalay ng kanilang buhay sa paglalahad ng mga impormasyon sa taong bayan gamit ang kanilang propesyon.
o0o
Sa kabilang dako, ipinangako naman ni Press Sec. Sonny Coloma na kasalukuyan na raw kumikilos ang lokal na awtoridad upang madakip at mapanagot ang may mga kagagawan ng krimen.
Sana nga, Sec. Coloma, inaasahan namin ang aksyon ninyo. Harinawa’y hindi ito maging puro wento pero wala namang wenta. Hehehehe, tangna naman, oh.
TONGPATS KAYA ANG DAHILAN
Kaliwa’t kanan pa rin ang operasyon ng video-karera (vk) sa Taguig City.
Hindi pa rin kumikilos si Taguig City chief of Police Supt. Arthur Asis para mapatigil ang sangkatutak na nailatag na vk sa teritoryo ni Taguig Mayor Lani Cayetano.
Walang ginagawa ang mga leader na ito dahil sa malaki ang tongpats nila.
Totoo kaya?
***
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA