Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DRUG CASES NA NAI-FILE SA KORTE NOONG 2014 LUMOBO

$
0
0

MAGANDANG pakinggan na tumaas ng 62.57 percent ang mga nai-file na kaso sa korte na may kinalaman sa droga sa taong 2014 kung ikukumpara sa taong 2013.

Sa datos ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA, ay nakasaad na umabot sa 17,074 na ang mga drug related case ang nai-file sa iba’t ibang korte sa buong bansa sa taong 2014 kung ikukumpara sa 10,502 noong 2013.

Magandang balita ito pero ang nakapagtataka lang ay kung bakit kakaunti lang ang napaparusahan o na co-convict gayung kumpleto naman ang mga isinumiteng papel ng iba’t ibang law enforcement.

Sinasabing magmula noong taong 2002 hanggang 2014 ay mayroong 106,092 na kaso ng droga ang nai-file na sa korte kung saan ay 19,585 or 18.46 percent ang na-settle at sa mga naresolbang kaso ay nasa 5,265 o 27 percent lang ang na-convict.

Nasa 9,051 o 46 percent ang na-acquit, 5,269 o 27 percent ang na-dismiss at ang mga natitira pang drug case filed mula 2002-2014 ay posible raw na unresolved o pending sa korte.

Sa naganap na PROMEDIA News Forum ay nagpahayag din ng kanyang pagkadismaya at pagtataka itong si PDEA-USEC, Director General, Arturo Cacdac, Jr. kung bakit ganoon kababa ang low conviction rate gayung lumobo ang kaso ng droga na naipa-file sa korte.

Bagama’t tumaas ng 62.57 percent ang nai-file sa korte noong 2014 ay inamin naman ng PDEA na mas marami ang nakumpiskang droga noong taong 2013 kaysa 2014.

Maganda ang ginagawa nitong si USEC Cacdac, sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang law enforcement agency na ang ibig-sabihin ay talagang pinapahalagahan ng PDEA ang ginagawang effort ng mga law enforcement lalo na ang PNP.

At para maipakita ang kanilang suporta sa mga pulis ay binibigyan nila ng mga award ang ahensya na nakahuhuli ng bulto-bulto ng shabu tulad ng Quezon City Police District o QCPD sa pamumuno ng kanilang district director na si Gen. Joel Pagdilao.

Ayon kay PDEA – PIO Chief, Dir. Derrick Carreon, hindi tumitigil ang kanilang ahensya sa paggalugad sa mga posibleng pinagkukutaan ng mga laboratory o pinag-iimbakan ng mga bulto-bultong droga at hindi nila alintana kahit sino pa ang kanilang masagasaan.

MOA WALANG MALAPIT NA PCP?

Wala raw malapit na Police Community Precinct o PCP sa Mall of Asia kung kaya walang mapagreklamuhan ang mga nagdya-jogging dito.

Kahapon ng umaga ay maraming nagdya-jogging sa likurang bahagi ng nasabing mall at ilan dito ay nabiktima ng bukas kotse gang.

Ayon sa sumbong, kasalukuyan siyang nagdya-jogging at sa kanyang pagbalik ay nadiskubre niyang ubos na lahat ang laman ng kanyang kotse.

Sinasabing isang lalaki raw ang nakikitang nangangalikot ng mga nakaparadang sasakyan ngunit hindi ito maisumbong ng mga nakakikita sa kadahilanang wala raw makitang PCP sa lugar.

Iimbestigahan po natin ang insidenteng ito at asahan n’yo po sa mga susunod nating kolum ay marami pa ang lumutang na biktima para maalarma ang Southern Police District o SPD, lalo na ang Pasay City Police na nakasasakop ng MOA. LILY’S FILES/LILY REYES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>