Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BAWAL NA SUGAL HUMAHATAW

$
0
0

WALANG tigil sa paghataw ang mga bawal na sugal at parang “bulag” umano ang mga opisyal na hindi nakikita ang kanilang pamamayagpag.

Halimbawa na riyan sa Parañaque kung saan pati ang ilang burol ay pinagtatagal nang isang buwan o paminsan-minsan ay umaabot pa ng 45 araw para pagkakitaan sa sugal na sakla.

Ayon sa ating mga espiya, sina “Emeng, Boy Vidas at Daku” ang may hawak ng saklang patay. Hindi na nila iginalang ang yumao at pinagsamantalahan pa na parang negosyo ang kamatayan nito.

Humahataw rin ang mga video-karera na kinalolokohan at pinagpupuyatan pati na ng mga kabataan, na madalas ginagawang tambayan din ng mga nagtutulak ng bawal na droga tulad ng shabu.

Bukod diyan ay namamayagpag din sa lungsod na ito ang operasyon ng sugal ni Joy Rodriguez at sugal na lotteng nina Rene Ocampo at Willy Kalagayan.

Nagkalat ang iligal na sugal pero bakit walang ginagawa ang mga pulis ng Parañaque sa pamumuno ni Senior Superintendent Ariel Andrade para matigil ito? Ano ang iisipin sa kanila ng mga residenteng apektado rito, lalo na ng mga magulang ng mga kabataang nalululong sa sugal?

At siyempre, hindi maiiwasang magtanong ang mga mamamayan ng Parañaque kung bakit parang bulag din sa pamamayagpag ng bawal na sugal ang kanilang alkalde na si Edwin Olivarez?

Hindi naman daw ganito kagarapal ang operasyon at pagkalat ng mga bawal na sugal noong panahon ni dating Mayor Florencio “Jun” Bernabe. Hindi ba nag-aalala si Olivarez na gantihan siya ng mga nabubuwisit na residente at ilaglag nang tuluyan sa halalan sa 2016?

Ang lahat ng kapangyarihan para ipatigil ang bawal na sugal ay nasa kamay ng alkalde at ng pulisya.

Pero dahil sa patuloy na pamamayagpag ng bawal na sugal, masisisi ba natin ang karamihan ng mga mamamayan kung mawalan sila ng pag-asa kina Olivarez at Andrade?

* * *

Maging sa Las Piñas ay namamayagpag ang pasakla sa Plaza Quezon, Bgy. Aldana, St. Francisco na pinatatakbo ng isang Jake Duling na bata umano ni Senior Superintendent Adolfo Samala, Jr., chief of police ng Las Piñas. At dahil malakas si Jake, siya ang sumasalo sa kasosyo niyang si Bernie.

Sakla rin daw ang humahataw sa Olongapo na pinatatakbo ni Jun Guinto, na nasasakupan naman ng station commander na si Chief Inspector Julius Jimenez.

At sa Maynila naman ay walang puknat daw ang video karera machines na nagsulputang parang kabute na ipinakalat ng mag-asawang Romy at Gina Gutierrez sa Malate. Nasa ilalim ito ng Station 9 na pinamumunuan ni Superintendent Romeo Odrada.

Ang tanong ng mga residente ay kung ano raw ba ang maaasahan nila sa mga pulis na nagbubulag-bulagan sa pamamayagpag ng bawal na sugal?

* * *
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View. FIRING LINE/ROBERT ROQUE, JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>