DINADAKILA ng ilan, kasama na ang ilang major media network, si Jeffrey Laude, 26, ang baklang natagpuang patay sa isang mumurahing hotel sa Olongapo na gawa umano ni Joseph Scott Pemberton, isang 19-taong gulang na US Marine soldier.
Pero sa Olongapo, kinasusuklaman si Laude, lalo na sa “social media,” dahil malaking pinsala sa kabuhayan ng marami ang nangyari.
Ito Ang Totoo: hindi umano alam ni Pemberton na bakla si Laude na nagpanggap na babae.
Gayunman, kahit nagpalaki ng dibdib, nagdamit at nag-ayos babae si Laude, nanatili ang ari nitong lalaki sa ibaba na dahil sa mga baluktot na pagbabalita at pahayag ay akala ng marami na napalitan na ng ari ng babae.
At kahit may mga “major broadcast & print media” na nagre-report na lalaking naging babae si Laude, hindi po totoo iyon, dahil may “lawit” pa nga bukod sa katotohanang ang “birth” at “death certificates” nito ay nagsasabing lalaki si Laude.
Pero ayon sa mga insider sa Justice Hall ng Olongapo, ang malaking kasinungalingan na namang inilabas sa balita ay ang pagtanggi umano ng pamilya Laude sa P21-milyong umano’y alok ng Amerikano kapalit ng pagbaba ng kaso mula “murder” tungo sa “homicide.”
Ayon sa ating mga insider, P2M lamang ang alok, kasama ang pag-ako ni Pemberton sa “homicide” o hindi pinagplanuhang pagpatay sa bakla pero hindi umano kuntento ang mga Laude.
Ito Ang Totoo: iyon nga namang Nicole na nanggaling pa ng Mindanao na nagpunta pa sa Subic para maghanap ng Kano at nambintang na ni-rape siya ay nabigyan ng visa ang buong pamilya at ngayon ay mga residente na sa Amerika.
Patay nga naman daw ang biktima kaya paniniwala nila ay mas malaki at mas magandang pabor ang makukuha ng mga kaanak ni Laude, kesehodang may elemento ng panlilinlang sa Kano sa pagpapanggap nitong babae, kung ganoon nga ang istorya.
Dito sa Olongapo, matatantiya na aabot sa 90% ng mga taga-rito, kasama na ang mga bakla at tomboy, ay galit sa nangyari.
Pero hindi kay Pemberton kundi kay Laude dahil sa alam nila ang “modus-operandi” nito sa mga lalaki, mapa-dayuhan o Pinoy.
Malaking pinsala na ang inabot ng ekonomiya ng lungsod at dama ito ng mga taga-Olongapo City at mga nagtatrabaho at nagnenegosyo rito.
Pero sa malalaking “media,” balita lang ito at kahit ano ang sabihin ng mga kagaya ni Harry Roque ay kakagatin may maibalita lang. Ito Ang Totoo! ITO ANG TOTOO/VIC VIZCOCHO, JR.