Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

12,500 ‘DI KILALANG MAY HIV-AIDS GUMAGALA

$
0
0

SINABI ng Philippine National AIDS Council at Joint United Nations Program on HIV/AIDS na sobra ang bilis ng pagkalat ng Human ImmunoVirus at Acquired Immuno-Deficiency Syndrome sa mahal kong Pinas.

Pero may nakababahala rito, mga Bro. ‘Yun bang, sa mahigit 35,000 biktima simula noong 1984, tinatayang nasa 12,500 ang hindi rehistrado sa Department of Health.

At pinaniniwalaang gumagala ang mga ito nang hindi natin nalalaman. Maaaring sila na rin ang pinagmumulan ng sobrang bilis na pagdami ng biktima ng wala pang gamot at nakamamatay na sakit.

MABILIS NA MABILIS

Heto ang palatandaan kung gaano kabilis ang paglaganap ng HIV-AIDS sa Pinas.

Kung noong nakalipas na mga panahon, eh, may biktimang isa kada dalawang araw, ngayon, may 16 na bawat araw.

Kaya naman, nitong nakaraang taon lamang, nagkaroon ng 6,011 bagong kaso.

NANGUNGUNA

Narito naman ang mga nangungunang rehiyon na may pinakamalaking bilang ng mga biktima nitong nakaraang taon.

Number 1 ang Metro Manila na may 2,473 biktima; Calabarzon – 867; Central Visayas – 618; Central Luzon – 549; at Davao – 403.

Mayroon namang 650 kaso sa hanay ng mga overseas Filipino worker at 569 dito ang kalalakihan at ang natitira ay mga kababaihan.

Nakararami, nasa 96 porsyento sa mga biktima ang kalalakihan at karaniwang nasa edad 15-82 ang mga maysakit.

SINA MANOY AT SIRENA

Sex pa rin ang pinakamalaking dahilan para magkaroon ng HIV-AIDS ang isang taga-Pilipinas. Pero pinakamatindi ang relasyon nina manoy at mga sirena.

Nasa 85% sa mga nagkakasakit ang sangkot sa labing-labing ng mga manoy at sirena.

Nasa 170 kaso naman ang nalilikha ng mga bisexual at 60 kaso ang sa mga lalaki at babae.

Ang nakatatakot, mga Bro, karamihan sa mga ito ay walang palatandaan na may sakit sa isa sa mga partner.

Saka na lang nila malamang nahawa na sila kung hindi na sila madaling gumaling sa kanilang mga sakit dahil sinisira ng HIV-AIDS ang immune system ng isang tao.

‘Pag nasira ang immune system, wala nang kakayahan ang katawan ng isang tao na lumaban sa anomang sakit na dadapo sa kanya.

PAANO MAHAWA?

Nitong 2014 pa rin, mga Bro, sa kabuuang 6,011 na biktima, umabot sa 5,649 ang nagkasakit dahil sa sex.

Mayroon namang nahawa dahil sa paggamit ng parehong karayom, lalo na sa hanay ng mga durugista na gumagamit ng panusok sa kanilang mga jamming session.

Galing sa Cebu ang maraming rekord sa paggamit ng mga iniksyon ng mga durugista.

Nasa lima lang ang nahawa dahil sa pagbubuntis. ‘Yun bang === nagkakasakit ang baby dahil may HIV-AIDS ang kanyang ina.

PATAY KANG BATA KA

Dahil nga sa wala pang nadidiskubreng gamot laban sa sakit, patungo lahat sa kamayatan ang may HIV-AIDS.

Simula nang madiskubre ang sakit sa Olongapo City noong 1984 na dala-dala ng mga Kano sa Pilipinas galing sa ibang mga bansa, marami na, mga Bro, ang napeste sa mga nahawa.

Sa rekord ng DOH, umaabot na sa nasa 1,100 ang namatay.

Nitong nakaraang taon, halos 200 ang kinuha ni Lord sa mga maysakit.

Dahil sa mabilis na pagdami ng mga may HIV-AIDS, tiyak na mabilis din ang pagdami ng mga mamamatay.

Ang nakaiintriga ay kung paano lumiliit ang mga biktima sa ibang mga bansa, kabaligtaran naman ang nagaganap sa Pinas.

Nakatatakot tuloy ang maging sweet lover.

WALANG CONDOM

Sabi ng mga taga-DOH, hindi kasi mahilig gumamit ng condom sina manoy.

Ang hindi paggamit ng kapoteng ito nina manoy ang number one umanong dahilan ng pagkakahawa sa sakit.

Lalo na kung palipat-lipat at papalit-palit ang mga partner nina manoy.

‘Pag hindi maiwasan ang makipagtalik, dapat umanong gumamit ng condom. At ang paggamit nito ay ligal na ligal na umano dahil sa pag-iral ngayon ng Reproductive Health law.

CONDOM NASAAN?

Sabi ng gobyerno, naglipana ang condom ngayon sa mga barangay health center.

May libre umanong pamamahagi. Pero ‘yung iba, bargain ang pagbenta. Buy 1, take 3.

May mga iba’t ibang kulay pa nga umano at may mga flavor pa.

Kung condom ang remedyo sa problema at marami ito sa mga barangay health center, bakit lalong dumarami ang maysakit at sa kabila ng RH law na gumagarantiya ng suplay ng condom?

Hindi kaya nauubos bilang palobo sa mga opisyal ng barangay sa kanilang birthday, kasal, palibing at iba pa?

o0o
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>