MADALAS tayong maka-encounter ng mga pulis na kung bansagan ay mga intelihensiyador na mga law enforcer.
Sa lahat yata ng mga pulis na nireklamo sa atin, ang pulis na si Tinyente Gimpatan ng Beata Detachment ang pinakamalupit na pulis.
Bakit kanyo?
Basahin n’yo ang mga reklamo na itineks sa atin ng kanyang mga constituent.
Sir Johnny, gudpm. Tulungan n’yo naman kami rito sa Beata, Pandacan dahil si Tinyente Gimpatan ay grabeng mangikil ng pailaw sa amin.
E, iskwater na nga kami ay pinahihirapan pa kami sa paniningil sa amin sa pailaw.
Sana, Sir, ay makarating sa kinauukulan ang mga reklamo namin. Pati nga ang mga driver na pumaparada sa Highway ay may bayad din sa kanya.
Samantalang ‘yung dati naman ay hindi kami sinisingil dahil sa naaawa sa amin pero ngayon ay sobrang maningil ang pulis na ito, mukhang pera at walang patawad.
NAKA-PAYOLA NGA BA SINA MAYOR
Dumako naman tayo sa bayan ng Agoncillo at Ibaan sa lalawigan ng Batangas.
Silipin natin ang talamak na operasyon ng bookies ng STL dito nina Jerry Acebo ng Ibaan at dating pulis na si Vergara ng Agoncillo.
Pader ang dalawang bookies operator na ito sa mga nabanggit na bayan.
Hindi sila kayang hulihin ng lokal na kapulisan ng mga bayan na nakasasakop sa kani-kanilang teritoryo dahil walang ipinagmamalaki ang dalawang kumag na ito kundi ang kani-kanilang mga mayor.
Ayoko namang isipin na baka kaya ‘pader’ ang mga bookies operator na ito kina Agoncillo Mayor Daniel Reyes at Ibaan Mayor Juan Toreja ay dahil baka (baka lang ah), nasa payrol ang mga alkaldeng ito. Naku po, Diyos kong mahabagin, huwag naman po sana!
***
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA