INSPIRED ako sa event na ito.
Mas tumindi ang paniniwala ko na pwede talagang maayos ang lahat ng klase ng problema, kahit pa ang sa mga lansangan dahil may mga tao na tulad ng members ng NILDOP na handang mag-offer ng panahon at resources para makatulong sa bayan.
Na-invite ako sa general assembly at induction ng mga bagong opisyal ng NILDOP – New Independent League of Drivers and Operators of the Philippines.
Natuwa ako at pinuri at sinuportahan nila ang programang PINK – Para sa Interes ng mga Kababaihan, Kabataan, Katandaan at May Kapansanan.
Ilang ulit na rin nating napag-usapan ang programa ng PINK kung saan ang mga public transportation tulad ng jeep, buses at taxi ay pininturahan ng kulay pink at nag-commit ang mga driver nito na magsasakay ng mga babae, matatanda, menor-de-edad at may mga kapansanan nang ekslusibo kapag rush hours.
Partikular ang pagpuri galing kay Marikina Vice Mayor, Honorable Fabian Cadiz.
Ang sabi ng butihing Mayor, magaling ang programa na PINK at handa siya na magbigay ng suporta sa abot ng kanyang makakaya.
Pero may ibang ideya na inilutang ang butihing Bise Alkalde ng Marikina.
Ang sabi niya ay pinag-uusapan nila kung paano pwede ma-step up pa ang serbisyo, lalo para sa persons with disabilities (PWDs).
Na-excite ako sa mga ideya nila na ang sabi ay pwedeng ibase sa mga sistema sa ibang bansa.
Uumpisahan daw sa mga tricycle. Dapat ay mag-design ng mga tricyle na mas mababa ang tapakan para mas madali sa mga may kapansanan ang sumakay.
Naalala ko tuloy ang ilang batikos na nabasa ko patungkol sa PINK.
Sabi ng mga kontra sa programa ay hindi raw sapat na exclusive riding opportunity lang para sa mga PWDs ang iaalay ng programa, dapat daw ay may aktuwal na aksyon para makatulong sa mga may kapansanan.
Eto na, umpisa na, mangunguna ang NILDOP at mangyayari na soon ang pagdisenyo ng mga tricycle na para sa mga PWD. Abangan.
Maraming magagandang kwento tayo mula rito.
o0o
Mag-email ng reaksyon at opinyon sa ariel.inton@gmail.com o mag-text sa 09178295982 o 09235388984. SIBOL/ATTY. ARIEL ENRILE-INTON