Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MANILA BPLO CHIEF, KUMIKITA SA BANGKETA?

$
0
0

ANG kalsada ay pag-aari ng pamahalaan, kaya hindi dapat ito pagkakitaan ng sinomang opisyal o kawani ng pamahalaan sapagkat labag ito sa batas.

Mayroon tayong naispatan sa Maynila na pinagkakakitaan ang gilid ng kalsada. Ito ang gilid ng Pedro Gil St. sa Manila.

Sa mga dumaraan sa Pedro Gil St. ay kitang-kita ninyo sa gilid ng kalsadang ito ang napakahabang bakal na istraktura.

Ito pala ay pinauupahan sa halagang P160 kada araw. Kaya, tumataginting na P4,800 ang bawat buwanang upa. Hanep na renta sa kalsada!

Pero, bago kamakakuha ng pwesto ay maglalabas ka muna ng P9,600.00 bilang 1 month deposit at 1 month advance.

Ang nagsabi niyan ay mismong si Kagawad Myrna ng Bgy. 694. Si Myrna na halal na opisyal ng barangay ang mismong nagbabantay ng paupahang kalsada.

Ang pagyayabang ni Myrna ay nakatimbre raw ang paupahang kalsada sa Bureau of Permits (BP) ng Maynila, kaya ligal.

Ang hepe ng BP ay si Atty. Fortune O. Mayuga. Alam mo ba ito, Atty. Mayuga?

Dahil nakatimbre nga ito sa BP, iniyabang ni Myrna na siguradong hindi na sila huhulihin ng mga awtoridad ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila.

Talaga, Kagawad Myrna?! Totoo ba ito Atty. Mayuga?

Ang huhulihin lang daw ng mga taga-city hall ay ang mga nagtitinda sa bangketa na hindi nakapwesto sa istrakturang nakatayo sa gilid ng Pedro Gil St.

Totoo nga ba ito, Atty. Mayuga?

Kayo talaga, kung ano-ano ang pinaggagagawa ninyong labag sa batas. Porke mahal ni Mayor Joseph Erap Estrada ang mga maliliit na negosyante ay sinasamantala naman ninyo.

Mali ‘yang pinagkakakitaan ang pag-aari ng pamahalaan!!!

Atty. Mayuga, kung hindi ikaw ang kumikita, e, ‘di ipatanggal na ‘yang istrakturang bakal sa Pedro Gil St.!!!

Wala bang porsyento si Kapitana Vivian Liquiran?

Malalaman natin sa susunod. Ok?

KIZMET KTV

Ang Kizmet KTV ay makikita sa basement ng Liberty Shopping Center sa Shaw Blvd., Mandaluyong City.

Walang bold show rito, ang meron dito ay bandang tumutugtog.

Bukod d’yan, maraming batam-batang G.R.O. rito at 16 ang V.I.P. rooms. Pwede ninyong i-table o dalhin sa V.I.P. ang mga G.R.O.

Matagal na ang Kizmet dahil aprubado ito sa city hall – dahil wala raw prostitusyon dito. Kizmet mo!

***
Problema at reaksyon n’yo, itawag sa 09985650271 o mag-email sa: akosibadilla@yahoo.com BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>