Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

TALAMAK NA PAIHI SA BATAAN, ‘DI KAPATIGIL

$
0
0

KALIWA’T KANAN na ang nangyayaring nakawan ng mga produkto ng petrolyo na kung tawagin ito’y ‘paihi’ na kalimitang bago ideliber ng mga oil tanker driver ang mga gasolina sa kanilang destinasyon ay idinaraan muna ng mga ito sa mga paihi operator sa Bataan.

Lantaran at untouchable ang ‘pahi’ ni Ben Abucay at Imelda sa Bgy. Mandama Litong, Hermosa.

Hindi hinuhuli ng mga awtoridad ang mga ninanakaw na gasolina kahit na abot tanaw lang ng mga pulis ang operasyon ng paihi.

Ang oil pilferage ay malaki ang nagiging epekto nito sa pagtaas ng gasolina sa merkado dahil ang nininakaw na produkto na ibinebenta ay walang buwis.

Ang modus operandi ng ‘paihi’ ni Ben Abucay at Imelda ay bago ideliber ng mga oil tanker driver ang mga produktong petrolyo sa destinasyon ay idinaraan na muna nila ito sa dalawa para bawasan ang laman ng tanker.

Kalimitan ang oil pilferage ay ginagawa kada magdedeliber ng mga petrolyo ang mga oil tanker galing sa mga Oil Refinery Station sa Bataan.

Ang pinagtatakhan ko lang rito ay kung bakit hindi hinuhuli ng kapulisan ang nakawan sa nasabing lalawigan.

Abangan….

MAGKAIBIGAN KAHIT KAILAN SA STL

Namamayagpag pa rin daw ang bookies ng Small Town Lottery (STL) ni Jerry Acebo sa bayan ng Ibaan ng lalawigan ng Batangas.

Hindi ko lang alam kung gaano katotoo na matalik na magkaibigan sina Jerry Acebo at Ibaan Mayor Juan Toreja.

Kaya siguro hindi ito magalaw-galaw ng mga awtoridad dahil sa natatakot silang banggain si Acebo.

Kung totoo man  na matalik na magkaibigan ang dalawng ito, hindi naman yata pupwede na si Acebo lang ang kikita.

E paano si mayor?

Magkano?

***
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


PreSonus FireBox - handly interfaz de


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


5 Tagalog Relationship Rules


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>