Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SINUSUBUKAN NA

$
0
0

UMARANGKADA na ang express buses, subok lang muna ito sa loob ng isang buwan at umaasa tayo na magwo-work ito.

Alam n’yo naman, ang objective natin talaga ay makatulong sa mga mananakay dahil sa ating pagtanto, halos anim na oras araw-araw ang nasasayang sa ating mga obrero dahil halos anim na oras ang ginugugol nila sa loob ng public transportation at sa traffic.

Ang sinukat natin ay mula Fairview hanggang Makati.

Sabi ng mga mananakay, at ayon sa experience natin, halos tatlo’t kalahating oras ang biyahe mula Fairview hanggang Makati. Kung bibilangin pabalik, pitong oras! Sayang na mga oras ito.

Imbes na makapagpahinga, imbes na kasama na ang pamilya at makalaro na ang mga anak ay nasa biyahe pa.

Ang mismong problemang ito ang sinusubukang bigyang-solusyon ng express buses.

Ang mga bus na ito’y magkakaroon lang ng mga designated stops at hindi basta-basta na lang hihinto kung saan at pinapayagan sila dumaan sa mga tunnels o mga underpass at sa mga overpass na rin para mas mabilis ang biyahe.

Ang express bus ay para sa mga mananakay na mahaba ang biyahe tulad nga halimbawa ng mga taga-Fairview na nagtatrabaho sa Makati.

Nasabi ko na, na ang expected na magbe-benefit sa express bus ay nasa mga 25,000 riders.

Sa umpisa ay mga 50 units na bus ang kasali sa programa. Titingnan natin kung ano ang mangyayari after one month.

Naniniwala ako na may mga makikita tayong problema pero mas marami ang mga ideya na makukuha natin para mas makatulong ang sistemang ito.

Ang mga suhestyon ng mananakay ay mahalaga, maging ng mga bus drivers.

Noong isang araw, sinubukan ko na ang express bus at may isang kaibigan tayo sa media na nag-text sa akin na, 30-minutes lang daw ang natipid kung sa express bus ka nakasakay kumpara sa regular na ruta.

Bigyan n’yo ako ng mga opinyon n’yo, mahalaga na mapag-usapan natin ito.

***
Mag-email ng reaksyon at opinyon sa ariel.inton@gmail.com o mag-text sa 09178295982 o 09235388984. SIBOL/ATTY. ARIEL ENRILE-INTON


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>