YAMAN din lamang na puspusan na ang ginagawang paglilinis o pagbabago ni Presidential Assistant on Food Security (PAOF’s) Sec. Fancisco “Kiko” Pangilinan sa hanay ng National Food Authority (NFA).
Pero ang tanong ko lang ay ano bang paglilinis o pagbabago ang ginagawa ni Kiko sa hanay ng NFA?
Bakit marami pa ring tiwaling NFA official sa kanyang departamento?
Sino-sino ba ‘yung mga tinutukoy niyang NFA official na kanyang sinibak at inalis sa puwesto?
Bakit ganon pa rin, marami pa ring rice retailers ang diskontento sa pamamalakad ng kani-kanilang mga manager sa bawat district.
Bakit patuloy pa rin sa pamamayagpag sa kani-kanilang puwesto ang mga tiwaling district manager?
Ano-ano ba ang mga pinagbabatayan niyang qualification para manatili sa kanilang puwesto ang mga manager?
‘Yung bang mga manager na malalakas at direkta kay NFA Deputy Admin Ludovico Jarina ang mga exempted para sa mga ‘rigodon’ sa hanay ng nasabing ahensiya?
Kaya tuloy hanggang ngayon ay patuloy ang kaliwa’t kanang ‘anomalya’ sa NFA.
Patuloy pa ring pinapaboran ni NFA-East District Office (EDO) Manager Ray Villacorta ang mga retailer na kasabwat niya sa anomalya.
Ano kaya ang masasabi rito ni Aling Cila?
BOOKIES NG STL, KAY MAYOR NGA KAYA?
Walang pinipiling araw kahit Semana Santa ay patuloy ang operasyon ng bookies ng Small Town Lottery (STL) nitong dating pulis na si Vergara sa Agoncillo, Batangas.
Ang latest na balita, hindi ko lang alam kung gaano katotoo na itong bookies na minamantine ni Vergara sa Agoncillo ang kapitalista ay si Mayor Daniel Reyes, kaya raw hindi mapatigil.
Gaano ba kaya katotoo ito, Mayor Reyes?
King..ina naman ohoo! Hehehehe….
o0o
Anomang reklamo o puna ay i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
