Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

TAKUTAN O KURAKUTAN?

$
0
0

IBANG klase rin itong si Professor [pa naman] Miriam Coronel Ferrer nang muli nitong ipagdiinan ang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Para sa akin ay masarap kakampi itong si Prof. Ferrer dahil tulad ng kanyang amo na si PNoy, ayyy talagang… napakatigas ng ulo masunod lamang ang kanilang naisin sa buhay bilang opisyal ng gobyerno.

Aba’y tila takutan na ang estratehiya nitong si propesor para lamang matuloy ang BBL. Ano ba ang meron sa BBL at sobrang diin ang suporta rito ni propesor?

Paalala ko lang sa inyo, taumbayan. Bukang-buka pa ang mga sugat ng insidente ng Mamasapano encounter ay iginigiit na nitong si propesor na dapat umusad na ang BBL.

Ang totoo niyan ay gusto ng grupo ng propesor na ito na lunukin na lamang ng buong-buo ng Kongreso at Senado ang nilalaman ng BBL na kanilang binalangkas.

Kapag lumabnaw daw ang mga probisiyon ng BBL, hindi nila tatanggapin at tiyak daw na gugulong lalo sa Mindanao. Si PNoy, si Ferrer at MILF ay parehong-pareho… ‘spoiled brat’.

Ang ganda noon ng mga pangako ng kapayapaan nang masunod ang awtonomiya sa Mindanao, ito ‘yung Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) pero tuloy pa rin naman ang digmaan.

Hindi pa man naipapasa ang batas para sa BBL ay umalburoto na ang MNLF ni Nur Misuari. Kumalas ang ilang miyembro ng MILF kaya mayroon nang BIFF. Nagdagdagan pang muli kamakailan ng ilang grupo.

Ano ito, bawat rebeldeng grupo ng mga kababayan natin na Muslim ay isang batas?  ARMM para sa MNLF habang BBL naman para sa MILF, ano naman para sa BIFF at iba pang grupong mabubuo?

Inuusisa at pinag-aaralan ng mga mambabatas ang nilalaman ng bersyon ng grupo nila Ferrer na BBL pero ang nakapagtataka ay gusto ng mga ito na aprubahan na agad. Aba’y bakit?!

Ika nga ng lolo ko e… hindi lang naglalaway ang mga ito sa BBL kundi taeng-tae pa sila. Parang mga bugoy na masyadong apurado sa eksena.

***
Para sa komento o suhestyon: eksperto71@gmail.com EKSPERTO/JOIE O. SINOCRUZ, Ph.D.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>