ILANG taon na ang nakalipas, isang mataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang napabalitang nangongolekta ng malaking halaga gamit ang kanyang ‘bata.’ Itinanggi ito ng opisyal.
Nang magretiro ang nasabing opisyal, nakapagtayo siya ng P50 milyong halagang mansion sa Quezon City. Wow!
Si Director Mel Valmoria, hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO), ay malapit nang magretiro.
Sayang si Valmoria dahil hindi na magiging PNP chief.
Binira na ng ilang kolumnista, pero umiikot pa rin daw ang isang nagpapakilalang pulis na nagsasabing ‘tauhan’ umano siya ni Director Valmoria.
Ipinangongolekta umano ng pulis si Valmoria sa mga iligalidad sa Metro Manila ng tumataginting na P50,000.
Totoo ba ito, Director Valmoria?
Ang pangako ni ‘Greg’ ay tiyak na hindi magagalaw ang mga iligalidad tulad ng jueteng, club at iba pa kapalit ng malalaking tongpats.
Alam mo ba ito, Director Valmoria?
BAHAY NI KAPITANA, PASUGALAN?!
Ang kapitan ay inihalal upang protektahan ang mamamayang naninirahan sa barangay na kanyang nasasakupan at hindi upang pagkakitaan.
Subalit iba ang bangis ni Kapitana Vivian Liquiran ng Brgy. 694 ng Maynila dahil hindi lang sa makeshift store sa mismong kalsada ng Pedro Gil St. sa Maynila kumikita si Liquiran kundi maging sa sugal.
Nakarating sa atin ang impormasyon na ang bahay ni Liquiran ay may pa-video karera at tong-its.
Totoo ba ito, Kapitana Liquiran?
Wala raw nagre-raid na pulis dito dahil ipinagmamalaki ni Kapitana Liquiran sina Col. Macapas ng Station 5, Col. Isidro, Col. Pedroza, Capt. De Pedro, Major Irinco, at pati si Jude Estrada.
Totoo ba ito, Col. Macapas, Col. Isidro, Col. Pedroza, Capt. De Pedro, Major Irinco at Jude Estrada?
Ipahuli n’yo nga itong si kapitana.
VILMA SANTOS, LAME-DUCK GOV.
Totoo bang lame-duck governor o walang silbing gobernadora ng Batangas na si Gov. Vilma Santos-Recto dahil hindi na siya sinusunod ng mga pulis?
Talamak ang sugal sa iba’t ibang bahagi ng Batangas tulad ng jueteng at bookies.
Ang balita ko ay mga matataas na opisyal ng pulisya ang protektor.
Kilos Gobernadora Vilma Santos-Recto laban sa iligal na mga sugal para hindi ka magmukhang walang silbing gobernadora!
o0o
Problema at reaksyon n’yo, itawag sa: 09985650271, o mag-email sa: akosibadilla@yahoo.com. BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA