MATAPOS ang sunod-sunod na mga bakasyon ay may isang bakasyon na naman today, ang Araw ng Kagitingan.
Utang natin ang bakasyong ito sa mga magigiting na mga Pinoy at Kanong tinalo ng mga Hapon na sumakop sa ating bansa noong World War II.
Sa Bataan naganap ang Death March na kung saan libo-libong allied force ang namatay sa ngalan ng kalayaan.
Tinatayang 76,000 na sundalong Pinoy at Kano ang isinailalim sa death march, na kung saan ay 54,000 lang ang survivor.
Hindi na Bataan Death March ang tawag sa holiday na ito, at hindi na rin Bataan Day ang bansag dito.
Sa halip, ang Bataan Day ay pinalitan na ng Araw ng Kagitingan noong 1987 noong panahon ni Pangulong Ferdinand Marcos.
Sa harap ng Bataan at ng Pangasinan, at sa harap mismo ng Palawan ay ang West Philippine Sea na unti-unting nang inaangkin ng China.
Gumagawa na ng airstrip ang China sa West Philippine Sea na kung tawagin ay South China Sea na pag-aari raw ng mga Tsino.
Sa kabila ng mga land grabbing ng Tsina sa ating mga teritoryo ay ang policy ng Pilipinas ay manawagan sa United Nations na pigilin ang Tsina sa pagkamkam sa ating mga pulo.
Mga sulat lamang ng protesta ang ginagawa ng ating pamahalaan, at sa kabila ng pag-angkin sa ating mga isla at pag daong ng mga barkong pandigma ng China, ang mahal nating Pinas at ating mga namumuno ay wala man lang lakas ng loob na awayin, maski verbal man lamang, ang Tsina.
Trade sanction ay kaya nating gawin laban sa Tsina ngunit ayaw ng iba dahil baka magalit lang ang Tsina. Ayaw nilang putulin ang ating diplomatic relations sa Tsina para ipamukha sa kanila na kaya nating lumaban.
Gusto ba ninyong magkaroon pa uli ng isang Fall of Bataan o Fall of the Philippines? DEEP FRIED/RAUL VALINO