Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PANDUDURO NI PNOY, CALL!

$
0
0

BAGO ang Semana Santa, kaugalian na ng isang lider ng bansa ang magbigay ng kanyang mensahe sa mamamayan.

Mensahe ito ng Kabanalan.

Sa Araw ng Pagkabuhay, kaugalian din na magpahayag ang lider ng bansa bilang paggunita sa muling pagkabuhay ng Panginoon.

Isang Kabanalan.

Pero sa lahat ng inabot ko na lider, kakaiba itong si Pangulong Benigno Aquino III (BSA3) sa kanyang dalawang pahayag sa Semana Santa at Pasko ng Pagkabuhay.

May mga bahagi ng pagkabanal ngunit mas lutang ang panduduro at pagbatikos sa kanyang itinuring na mga KRITIKO ng kanyang inutil na liderato!

Ipagdarasal na lang daw niya ang bumabatikos sa kanyang pabaya na liderato?

BSA3, nakaaawa ka na!

Ano pa ang kailangan mong patunayan para maniwala ka na niloloko, tinatarantado at pinagtataksilan ka ng mga itinuturing mong mga kaalyadong politiko at mga miyembro ng iyong gabinete?

Paulit-ulit mong sinasabi na sa iyong administrasyon lang nagtagumpay ang katatagang ekonomiya.

Paulit-ulit mong sinasabi na “nawasak” mo at ng iyong tropa ang korapsyon na gawain ng mga nagdaang administrasyon.

Sino ang sumulat sa mga binasa mong iyon?

Mismo ang malalaking pandaigidigan na institusyon (WB-IMF-ADB-UN) sa pananalapi ang nagsabi na noon pa man.

Sa iyong pag-upo at paggastos sa maling paraan ang salapi ng bayan, tinalo mo sa laki ng nalaspag na pera ng bayan ang sinundan mo na tatlong administrasyon!

Ibig nilang sabihin, mas malala nang hindi biro ang KORAPSYON ng iyong administrasyon!

Kongkreto – gamit mong paninira sa nagdaan administrasyon na lang.

Ang dalawang helicopter na binili ng PNP kay dating FG Mike Arroyo. Ikumpara mo sa binili ng iyong rehimen na helicopter sa halagang P1.2-milyon.

‘Yung 2 chopper ng PNP, kayang lumipad mula Luzon hanggang Mindanao nang walang aberya. ‘Yung binili mo para sa modernisasyon na 21 chopper, bulok, kulang sa piyesa. Takot ang mga piloto ng Air Force na paliparin dahil delikado.

Isang LUMILIPAD NA KABAONG ang turing nila!

Isa lang iyan BSA3. May mga kasunod pa ito. Tiyak iyan.

Panduduro mo?

CALL! BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>