Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ANG LARAWAN SA ISIP KO

$
0
0

HINDI ako magtataka kung wala nang kabataan ngayon ang nakaaalam pa ng sikat na kantang “Hinulugang Taktak sa Antipolo.”

Hindi ko malilimutan ang chorus ng kantang ito – “Tayo na sa Antipolo, at doon maligo tayo … sa batis na kung tawagin ay hi-hi-hinulugang taktak … tayo na … sa Antipolo …”

Kaya naman nang mabasa ko ang balita tungkol sa balak daw na pag-revive sa Hinulugang Taktak bilang tourist destination ay naalala ko noong bata pa ako na ang lugar na ito ay sinasadya ng mga Pinoy mula sa iba’t ibang parte ng bansa para ma-enjoy ang malinis at sariwang tubig ng talon mula sa Taktak river.

Saludo ako sa efforts ng DENR at Local Government Unit sa planong ito.

Maraming local tourist spot talaga na minsang naging sentro ng lokal na turismo ang napabayaan na natin bilang isang sambayan tulad na nga ng Hinulugang Taktak na mayaman sa kasaysayan. Hindi madali ang balak na ito ng Department of Environment and Natural Resources at LGU.

Umpisa pa lang ay marami nang balakid, tulad ng kung magkano ang kailangan na pondo para mangyari ang pag-revive sa dating ganda ng sikat na fall na ito sa Antipolo.

At kung alam mo ang itsura nito noon ay maiisip mo talaga ang laki ng kailangang gawing trabaho.

Ang mahalaga para rito ay ang partisipasyon ng buong sambayanan dahil ang sumira sa dating ganda ng talon ay ang human activities din sa kapaligiran.

Nawala ang sariwa at malinis na ihip ng hangin at ang tubig mismo ay naging tapunan ng basura.

Hindi lang ang mga mamamayan ng Antipolo ang makagagawa ng mahirap na assignment na ito ng pag-revive sa fall kundi ang buong pamahalaan at lahat tayo bilang mamamayan.

Naniniwala ako na kaya naman, kahit hindi madali.

At tayo rin naman lahat ang makikinabang, lalo na kung makikita ninyo sana ang larawan at kwento ng Hinulugang Taktak na ngayon ay nasa puso at isipan ko na lang.

o0o
Mag-email ng reaksyon at opinyon sa ariel.inton@gmail.com o mag-text sa 09178295982 o 09235388984. SIBOL/ATTY. ARILE ENRILE-INTON


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.