Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DOUBLE PARKING NG MGA CARGO TRUCK SA CAPULONG

$
0
0

YAMAN din lang na natapos na ang Semana Santa (Holy Week), ating silipin naman ang mga naglalakihang cargo truck na pag-aari ng Meridian Cargo Trucking na iligal na nakaparada sa kahabaan ng Capulong Extention cor. Juan Luna St., (Pritil), Tondo, Manila.

Kung magagawi kayo sa lugar na ‘yan (pero huwag na ninyong pangarapin pa) pag-entrada pa lang ninyo sa bukana ng kalsada ay tataas na ang presyon ng dugo n’yo dahil sakop na ng mga cargo truck ng Meridian ang buong kalsada ng Capulong Extention.

Daig pa ng mga perwisyong cargo truck na ito ang nakakuha ng libreng garahe na gamit ang publikong kalsada.

Ang matindi pa rito, halos double parking na ang ginawang pagparada ng mga ito at halos wala nang maraanan ang mga motorista.

Ang balita ko, wala raw ipinagmamalaki ang may-ari ng nasabing cargo trucks kundi sina Vice Mayor Isko Moreno at PS1 Station Commander Supt. Redentor Ulzano.

Kaya naman pala ganito katapang kung magparada ang mga cargo truck sa nasabing kalsada dahil sina VM Isko at Supt. Ulzano ang ginagamit na padrino.

Totoo ba ito, VM Isko at Supt. Ulzano?

BOOKIES NG STL BAKIT HINDI MAPATIGIL

Atin Muling silipin itong hindi magiba-gibang mga bookies ng Small Town Lottery (STL) nina Jerry Acebo ng Ibaan at Vergara ng Agoncillo na pawang nasa Batangas.

Halatang-halata na kasi na pinoproteksyunan nina Ibaan Mayor Juan Toreja at  Agoncillo Mayor Daniel Reyes ang dalawang STL Lord na ito.

Mantakin nyo, halos ilang taon na rin na nag-ooperate ang mga STL Lord na ito sa kani-kanilang bayan pero hindi nila ipinahuhuli ang mga ito.

Hindi ko sinasabi na naka-payola sina mayor sa mga gambling operator na ito.Kayo na ang mag-isip niyan?

o0o
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>