Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PESTENG MAYNILAD

$
0
0

HINDI lang mga residente ng Caloocan City North ang napeperwisyo ng Maynilad Water Services dahil walang habas nitong pagsira sa mga kalye upang makapagbaon ng mga tubong sinasabi ng kumpanyang inirereklamo “dadaluyan ng ginhawa.”

Maging ang mga residente ng Quezon City, partikular ang La Loma at iba pang dumaraan sa A. Bonifacio Ave. at C-3 Road sa Caloocan City ay pawang asar na asar dahil sa “usad-pagong” na galaw ng mga sasakyan.

Umaga, tanghali, hanggang gabi ay pawang galit na ang mga nagdaraang motorista maging ang mga pasahero ng mga bus at jeep na dumaraan sa lugar sapagkat inaabot sila ng ilang oras bago makalampas o tawid sa nasabing lugar.

Sa pagpasok sa kanilang opisina, perwisyo na ang inaabot ng mga mananakay dahil sa bagal ng usad ng mga sasakyan na nagiging dahilan kung kaya “late” sila sa pagpasok sa trabaho.

Sa pag-uwi naman sa gabi ay gayundin.

Nagmamadali ang marami upang maipahinga ang pagal na katawan na maghapong nagtrabaho subalit pinepeste pa rin sila ng trapiko sa mga dinaraanan nila na walang habas na hinukay ng nasabing concessionaire ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Ang masaklap pa ay napakabagal nang ginagawang paggawa ng nasabing kumpanya sa paglalagay ng mga malalaking tubo pero napakabilis sa paghuhukay na iiwan din lang namang nakatiwangwang kapag araw ng Sabado at Linggo.

Kaya naman hindi lang tuwing ordinaryong araw namomroblema ang mga motoristang dumaraan sa mga kalyeng sinisira ng Maynilad kundi maging ang mga araw na walang pasok.

Kailan kaya matututo ang mga opisyal ng Maynilad na iprepara munang mabuti ang lahat ng kailangan at gagawa upang maging mabilis ang trabaho at hindi napeperwisyo ang mga tao?

Bukod pa ito sa kailangang ayusin nila ang mga kalyeng kanilang sinira para lang sa sinasabi nilang rehabilitasyon ng kanilang mga naikabit na tubo na magpapaganda sa daloy ng tubig na binabayaran ng mahal ng mga mamamayan.

Kaya nga ano ba ang pwedeng gawin ng mga mamamayang napeperwisyo ng Maynilad?

Pwede bang magsampa ng kasong sibil?

Naku, ngayon pa lamang ay dapat nang ayusin ng nasabing kumpanya ng tubig ang serbisyo sa mga mamamayan upang hindi mapundi ang mga ito at mapikon dahilan upang magreklamo o manira ng gamit ng Maynilad. PAKUROT/LEA BOTONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>