Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ARAW-ARAW NA POT SESSION AT TSONGKIHAN SA ANTIPOLO

$
0
0

LAGI-LAGI raw may nagaganap na pot session at tsongkihan (marijuana) sa isang  tahimik na malaking bahay na nasa Sampaguita St., Sitio Broadway, Bgy. Dela Paz, Antipolo, Rizal.

Bukod sa tsongkihan at pot-sesssion ay talamak din ang bentahan ng iba’t ibang illegal drugs sa nasabing malaking bahay.

Nababahala ang mga residente ng Antipolo sa dumaraming mga kabataan ang nalululong sa droga.

Wala raw ginagawang aksyon si Antipolo chief-of-police Supt. Arthur Masungsong para masugpo ang talamak na bentahan ng drugs, pot session at tsongkihan sa Bgy. Dela Paz, Antipolo.

Ano kaya ang dahilan kung bakit hindi kumikilos si Supt. Masungsong para labanan at sugpuin ang tamalak na bentahan ng illegal drugs sa nasasakupan n’ya.

Hindi ko sinasabi na ‘tongpats’ si hepe sa droga, kayo na bayan ang bahalang mag-isip. He..he..he..he..he.

SUGALAN SA REGION 4-A ‘DI KAYANG SUGPUIN

Sa Region 4-A naman ay walang takot ang mga peryante sa pag-o-operate ng kanilang mga peryahan na front ng mga iligal na pasugalan sa mga lalawigan na nasasakupan ng Region 4-A.

Mula sa Alitagtag, Buan, Mataas na Kahoy sa Batangas at Victoria sa Laguna ay nakalatag ang mga peryahan ni Aling Tessie.

Samantala, sa Lemery, Batangas naman ay makikita ang ‘untouchable’ na puwesto pijo na pasugalan ni Tita.

Ang dalawang gambling operator na ito’y walang takot na nagpapasugal dahil wala silang ipinangangalandakan kundi si Region 4-A RD Gen. Edwin Erni.

Magkano kaya?

LOTTENG SA MAYNILA NI EDNA (MILO SAMSON)

Sa Maynila naman hindi mahuli-huli ang lotteng ni Edna at ni Milo Samson. Ang dahilan ay ipinagmamalaki niya si Cong. Naida Angpin.

o0o
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>