MARAMING salamat po sa sagot ni Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman & Administrator Roberto V. Garcia aka Ka Bobby sa ating BALETODO kolum noong Pebrero 12, 2013.
Ipinadala sa atin ni Ka Bobby noong February 19,2013.
Narito ang buong laman ng kanyang sagot:
Dear Mr. Verzola:
This refers to your BALETODO column at REMATE published on February 12, 2013 entitled: “SBMA sa Kuko ng Smugglers-Sipsip-Higop which we categorically dispute. Your allegations that SBMA cradles oil smugglers and that collusion exists among the Bureau of Customs, Bureau of Internal Revenue and SBMA are unfounded and farfetched.
In response to your write up, enclosed is a copy of SBMA procedures for the inspection, entry/exit of cargoes in accordance with the established Quality Management System. Through our existing procedures, we implement control measures to prevent collusion and connivance among concerned personnel. Furthermore, our SBMA Seaport Cargo Checkers are on a weekly rotation basis in order to preclude familiarity and connivance with other concerned government agencies.
For your information.
Very truly yours,
Signed: ROBERTO V. GARCIA
Chairman and Administrator. Siguro naman Ka Bobby ay masaya ka sa ginawa natin na ilabas ang inyong sulat sa BALETODO. Hindi ko na isinama ang mga attached documents on your agency’s processes dahil panloob na kalakaran ‘yan.
Ang tanong lang po natin at nang mga taga-loob ng Freeport, gaano ba karami ang may sasakyan diyan?
Gaano karami ang bisita ng SBMA araw-araw pati na ‘yung mga nakikiraan lang na may mga sasakyan at nagkakarga ng petrolyo riyan?
Sobra ba ang dami at kinukulang ang stock ng gasolinahan diyan kaya umabot na ito sa 18 gas stations ngayon?
May imbentaryo po ba kayo sa mga kinukuhang langis sa oil depot diyan?
May kopya o imbentaryo ba kayo ng isinasalin ng oil tankers sa mga gasolinahan diyan? Sino ang nagbibigay ng “clearance” matapos isalin AT HIGUPIN MULI? SBMA po ba o istasyon?
Sa liit ng SBMA community at kung kayo ang negosyante, mamumuhunan pa ba kayo sa pagbebenta ng gasolina riyan?
Marami pa tayong tanong pero kapos tayo sa espasyo Ka Bobby, may kasunod itong kolum na ito para sa inyo.
Maraming salamat muli sa inyong sulat-paliwanag.
