Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

OFW FOREVER?

$
0
0

KAPAG pakikinggan natin ang isang OFW, seabased o landbased worker man, palaging presente ang mga katagang nais lamang nilang makapagpatapos ng kanilang mga anak sa eskwela.

At kapag nakatapos na ‘aniya ang mga batang iyon sa kanilang pag-aaral, tiyak na makaalwan na rin sila kahit papaano at pwede nang pagplanuhan ni mister o misis na OFW ang muling pagbabalik sa Pilipinas.

Hanggang doon lamang ang kayang kwentahin o kayang isipin ng mga magulang nating OFW.

Makatwiran din naman iyon dahil binibigyan na nga nila ng sapat na armas o kakayahan ang kanilang mga anak na matuto nang mabuhay mag-isa.

Kaligayahan ng bawat magulang na makitang nagtatagumpay ang kanilang mga anak. Ngunit papaano ba nila sinusukat ang bawat tagumpay na iyon?

Para sa ilan, okay na ang magkaroon ng hanapbuhay at kumita ng sariling pera ang kanilang anak. Sa diretsahang salita, hindi na ito aalalahanin pa ng magulang. Sa mas masakit na salita: hindi na ito pabigat pa!

Aminin man o hindi ng mga magulang, hindi rin ‘anya nila maaatim na sila ang humihingi sa mga anak. Nahihiya ‘aniya sila.
Pakiramdam din nila, sila tuloy ang nagiging pabigat pa sa mga anak.

May mga magulang naman na, sa kabila na rin ng katandaan, wala nang kakayahan kahit alagaan ang sarili at masasakitin pa, ayaw pa ring makipisan sa kanilang mga anak, dahil nahihiya ‘aniya sila.

Paano naman tumutugon ang kanilang mga anak kapag nagbabago na ang sitwasyon? Ang dating malakas na ama o inang OFW na dati-rati’y superman o superwoman sa mata ng kanilang mga anak, ngayon wala nang powers! Wala nang kakayahang maghanapbuhay at lalo pa, wala nang maibibigay na anomang materyal na mga bagay sa pamilya.

May mabubuting mga anak na nagsikap magtapos ng pag-aaral, naghanap ng trabaho at kapag may sariling kita na, hinihimok nila ang mga magulang na umuwi na lamang ng Pilipinas at sila naman ‘aniya ang tutulong sa pamilya.

May ibang mga anak na inako pa nga ang ilang responsibilidad tulad ng pagpapaaral sa kanilang mga nakababatang kapatid upang hindi na mag-abroad si tatay o si nanay.

Ngunit may mga anak naman na sadyang walang utang na loob at walang pakialam sa mga taong nagsumikap at nagpakahirap para sa kanilang kinabukasan. Kapag kaya nang mabuhay mag-isa, basta na lamang tutuwaran ang pamilya. Magrerenta ng condominium niya mag-isa o ‘di kaya kasama ng barkada at mamumuhay na para bang walang kapamilya.

May ilan naman na hindi nagtapos sa kanilang mga pag-aaral. Nagsipag-asawa nang maaga at nagpamilya sa murang mga edad.
Nadoble o triple pa tuloy ang gastos ng OFW dahil pati bagong pamilya ng menor-de-edad na anak, sagot nila.

May ilan din naman na hihingi ng puhunan sa magulang at magtatayo ng negosyo upang may sarili na ‘aniya silang kabuhayan. Kapag kulang pa ang kapital, manghihiram sa bangko gamit pa rin ang pangalan at credential ng magulang na OFW.

Ang mahirap nito, palibhasa wala sa kanya ang pangalan at responsibilidad ng pagbabayad sa bangko, hahayaan na lamang problemahin at ipasagot sa magulang ang buwanang hulog sa nautang.

Nasabi tuloy ng OFW mas lumaki pa ang gastos niya sa halip na nagpapadala lamang siya ng sapat na gastusin, ngayon may dagdag pang bayarin.

Kaya ang tanong nila: Hanggang kailan sila gagastos??? Hanggang kailan sila patuloy na magbibigay? Ang sagot: Hangga’t may kakayahan pa kayong magbigay at hangga’t nabubuhay kayo, hindi hihinto ang pagiging magulang ninyo sa inyong mga anak.

Ngunit may limitasyon ang lahat ng bagay. Kung hindi na ipinahihintulot ng inyong kalusugan ang maghanapbuhay pa, wala na nga kayong maibibigay pang materyal na mga bagay. Dahil hindi naman kayo OFW nang habambuhay. Walang OFW forever!

o0o
Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napakikinggan sa Inquirer Radio dzIQ 990 AM. Address: 2/F MRP Bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad St., Makati City (M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziq Helpline: 0927.649.9870. Website: bantayocwfoundation.org. E-mail: bantayocwfoundation@yahoo.com/susankbantayocw@yahoo.com. BANTAY OCW/SUSAN K


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>