Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ANO-ANO NA BA ANG MGA NAGAWA NI REP. CERAFICA?

$
0
0

ITO ang tanong ng mga residenteng bumoto kay Rep. Arnel Cerafica upang maging representante ng unang distrito ng Lungsod ng Taguig at ng Munisipalidad ng Pateros.

Nasa ikalawang termino na si Cerafica, ngunit walang nababalitaan ang mga residente na isinulong niyang mga mungkahing batas sa Kamara de Representante simula nang maging kongresista siya noong 2010.

Nababalitaan lamang nila si Cerafica kung mayroong namatay na residente dahil nagpapadala ng tolda si Cerafica na nakalagay ang kanyang mukha at pangalan.

Pero, nanalo si Cerafica noong nakalipas na eleksyon sapagkat, sa palagay ko, ay mahina ang inilagay ni Mayor Lani Cayetano laban kay Cerafica.

Tatakbo si Cerafica sa 2016 sa pagiging kongresista ulit. Okey. Pero, ayusin mo naman ang trabaho mo bilang mambabatas upang hindi sayang ang sinusuweldo at kinikita mo sa Kamara del Representante na galing sa buwis ng taumbayan.

NSO-BULAKAN, MAKUPAD

Totoo ba itong reklamo ni texter 09069743568 na isang Bulakenyo na napakabagal ng proseso ng National Statistics Office (NSO) na nasa SM-Marilao sa paglalabas ng birth certificate.

Sabi ng taga-NSO, tatlong araw lang ay mailalabas na ang kailangan niya. Pero higit nang isang buwan ay wala pa rin daw ang birth certificate niya, gayong kailangang-kailangan ito sa pag-eenrol.

NSO-SM-Marilao, bilisan n’yo naman!

PROSTITUSYON MALAPIT SA JRU, PINABABAYAAN NI MAYOR

Matagal na ang mga bahay-aliwang Wild Angels, Bistro, Katrine at Cecile’s na malapit na malapit lamang sa Jose Rizal University, Mandaluyong City.

Dapat walang bahay-aliwan malapit sa JRU sapagkat paaralan ito, pero matagal na ang mga nabanggit na bahay-aliwan, Mayor Benhur Abalos, Jr. Hanggang ngayon ay namamayagpag pa rin.

Ang Wild Angels, Bistro, Katrine at Cecile’s ay beer at babae ang inaalok sa kanilang mga parokyano. Kung nag-aalok ng babae, mayroong prostitusyon. Tama po ba, Mayor Abalos?

Gumawi ka, Mayor Abalos, sa Liberty Shopping Center, makikita mo sa basement nito ang Kizmet KTV Bar. Ang Kizmet, Mayor Abalos, ay mayroong mga G.R.O. na batambata at mistulang estudyante sa kolehiyo ang kanilang mga hitsura. Walang bold show rito, pero mayroon itong 16 VIP Rooms.

Ang banggit ng source natin, pinakamababa ang P3,000 kapag mayroon kang ipagagawa sa babae. Pinakamababa raw ang P3,000. Hindi ba’t prostitusyon ang tawag dito, Mayor Abalos?

Mayor Abalos, paminsan-minsan ay nagagawi raw si Willy A. Kilala mo ba si Willy A., Mayor Abalos?

***
Problema at reaksyon n’yo, itawag sa: 09985650271, o mag-email sa: akosibadilla@yahoo.com. BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES