SA pangatlong paglalathala natin tungkol sa hindi makataong pamamalakad ng JAMC Marketing ay tinukoy ng mga empleyado ang pangalan ng nasa likod ng ‘anomalya’ sa kumpanya.
Basahin muli natin.
Sir Juan De Sabog. Eto ‘yung name ng kinatatakutan ng lahat sa aming opisina: si Apolonia de Mesa, mas kilala sa Ma’am Apple. May nagsabi sa akin na si Ma’am Apple ang gumagawa ng payroll na ipinapabago niya sa mga tauhan nya sa H.R. Dept. Kaya nagkakaroon ng sabwatan sa upper to lower na ‘magkaka-connive’ sila.
Ang isa pang concern namin, matagal na itong ginagawa hanggang ngayon. Hindi pa rin mabago-bago ang sistema sa amin, as a delivery man ay humahawak kami ng mga resibo.
Kapag tseke ang sinisingil namin at may konting mali, halimbawa may mali sa words or walang pirma ang customer, error check ‘yun, which is tama, error check talaga. E magre-request naman kami na ibabalik na lang namin kinabukasan para ipaayos ang mga error check.
Ang gagawin nila, ‘pag first ofense, may charge na P100. ‘Pag 2x na nagkamali ay P200 at ‘pag 5x ay dismissal na. Sir, ang tanong ko lang, ganu’n ba talaga ang batas na ‘yan?
MALAKAS KAY HEPE KAYA VK NIYA PADER
Hindi pa rin inililigpit ang mga video-karera ng pulis na si John Miranda sa buong sakop ng Las Piñas.
Palibhasa ubod daw ng lakas ang mamang ito kay Las Piñas Chief-of-Police Supt. Adolfo Samala.
Totoo kaya na si John Miranda ang bagman/tong collector ni kernel sa mga pasugalan at night club?
PULIS ANG MAY-ARI NG MGA VK SA PS4
Sa Maynila sa PS4 ng Manila Police District (MPD), si Alex Cariaso naman ang may-ari ng mga nakalatag na vk sa buong Sampaloc.
Ano ang ginagawa ng kapulisan?
***
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
