Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PANDARAMBONG, KORAPSYON ANG PAMANA NI PNOY

$
0
0

HABANG palapit nang palapit ang pag-alis ni Pangulong Noynoy sa kanyang puwesto sa Malakanyang, pabulok nang pabulok naman ang nagaganap sa kanyang administrasyon.

Ito ba ang gusto niyang iwang alaala o pamana paglayas niya sa Malakanyang?

MADYIK SA PATROL JEEP

Maaalala natin na ipinagyabang ni DILG Sec. Mar Roxas na bibili ito ng maraming patrol car para sa Philippine National Police upang mabilis itong makatugon laban sa krimen at iba pang pangangailangan ng mga mamamayan mula sa kapulisan at DILG na rin.

Ayaw makita ng pinagpipitagang kalihim na mga bulok at karag-karag ang mga sasakyan ng mga pulis at magiging inutil ang mga ito sa paggampan ng kanilang mga tungkulin.

Tayo mismo ay natuwa rin sa proyektong ito.

Pero nang lumabas ang ilang biniling dyip mula sa 1,470 piraso, anak ng tokwa, kasabay naman ng paglabas ng balita na minadyik o maanomalya pala ang pagbili rito.

Sabi, ang mga opisyal mismo ng PNP, kasabwat ang mga suplayer ng dyip, ang may gawa?

P1.317B=1,470 JEEP

Gawa ng Mahindra Co. mula sa India at ibinebenta ng Columbian Auto Car Corp. ang mga jeep.

Nagkakahalaga ang 1,470 jeep ng P1.317-bilyon. Sa ibang salita, mga Bro, nasa P896,000 ang bawat jeep.

MAGKANO BA TALAGA?

Siyempre pa, pinasubasta ang pagbili ng mga jeep na ‘to at  naaayon sa batas na government procurement law ang pagbili.

Pero, anak ng tipaklong, ang anunsyo pala para sa subasta, eh, puno ng anomalya.

Ang ginawa umano ng Philippine National Police-Bids and Awards Committee, eh, hindi nila nilagyan ng petsa ang anunsyo para sa pasubasta kaya hindi nakasali ang iba pang mga suplayer.

Ang Columbian Auto Corp. lang ang nakasali. At sila rin ang nakatutugon umano sa ispesipikasyon o kalidad, itsura, kakayahan at iba pa ng mga jeep.

Siyempre pa, pati na sa presyo.

Pero magkano ba talaga?

Sa lagay, eh. Hehehe!

BOLERO MODEL

Ang tawag sa mga jeep ay Bolero/Enforcer model.

Saktong-saktong sa nangyari.

Binola ng PNP-BAC ang taumbayan na pinagmulan ng buwis na pambili sa mga sasakyan. Pinuwersa ng mga peace and order enforcer ang pasubasta para isa lang ang makasali.

Pambobola nang may pamimilit ang pagbili ng mga jeep.

Kaso hindi nabola at napwersa ang mga dating heneral na pulis at sundalo na nakasilip sa lokohan sa proyektong ito ni Sec. Roxas.

Sina Rep. Samuel Pagdilao ng ACT-CIS partylist, Romeo Acop ng Antipolo, Leopoldo Bataoil ng Pangasinan na pawang ex-general na pulis at Francisco Ashley Acedillo at Gary Alejano ng Magdalo partylist na pawang dating mga sundalo na kasama ni Senador Antonio Trillanes.

Iimbestigahan umano ng mga mambabatas na ito ang korapsyon o pandarambong dito.

P14B SA DA

Gaya ng nabanggit natin kahapon dito, mga Bro, hindi naman nagpapahuli sa korapsyon at pandarambong ang Department of Agriculture.

Umubos ang DA ni Sec. Proceso Alcala ng nasa P14-bilyon para sa makorap at madambong na paggawa ng mga farm to market road; pagbibigay ng pondo sa iba’t ibang non-government organization, kabilang na ang ilan sa mga NGO ni Janette Napoles; at pagpapadaloy ng salapi sa ilang ahensiya ng DA na wala namang kinalaman sa pinaglaanan ng pondo.

BASURANG APC AT CHOPPER

Malalaki, bilyong piso rin, ang halaga ng pinambili ng militar sa mga basurang helikopter at at armoured personnel carrier.

Ang biniling mga helikopter ay hindi pupwedeng lumipad dahil mas luma pa ang mga ito sa bakya ni neneng, sira at halos wala ng piyesa.

Nagbigay o nagpautang naman ang mga Kano ng pambili ng mga tangke na pinaglumaan nila pero mga karag-karag na APC ang binili ng mga militar.

Ngayong may problema sa Spratleys, umaamin ang militar na wala itong kakayahan na humarap sa Tsina na sumasakop at nagtatayo ng mga base militar sa mga isla natin sa nasabing lugar.

Pati bombang tubig ng Chines Coast Guard ay hindi kayang harapin ng ating mga pulis at militar.

Bunga ito ng kabulukan sa paglulunsad nila ng modernisasyon na paurong sa pulisya at militar.

Sa halip na makabago ang mga gamit ng mga ito, puro pinaglumaan at basura ang mayroon.

Pinepera ng mga kolokoy ang seguridad at kapayapaan ng mga mamamayan at bansa.

SIBAKIN SILA

Para tunay na magkaroon ng magandang pamana si PNoy sa atin, unang gawin nito dapat ang pagsibak sa lahat ng kanyang mga gabinete at opisyal na sangkot sa mga korapsyon at pandarambong.

o0o
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES